Chapter 38: Gino Parker

2.7K 98 2
                                    

Chapter 38: Gino Parker

Third Person’s POV

“Are you ready?”

Nabaling ang atensyon ng binata sa kanyang ina nang dahil sa naging tanong nito. Kabababa pa lamang nila ng sasakyan at patungo naman sila sa kinaroroonan ng kanilang private plane.

“Yeah. I’m born ready.”

What he said earned a laugh from his Dad who’s walking beside his Mom. Napabuntonghininga naman ang kanyang ina. Magkahalong pag-aalala at saya ang makikita sa mga mata nito.

“I hope that everything will be okay now. Hindi ko gusto na magkita kayo sa ganitong sitwasyon. But I know that this is the right time already,” nag-aalalang pahayag ng ginang.

“Paniguradong magkakasundo agad kayong dalawa. Parehong matigas ang ulo n’yo, eh,” naiiling na sabi naman ng kanyang ama.

A smile formed on his lips. Sa totoo lang ay excited na rin siyang magkita silang dalawa. But at the same time, he’s furious at what just happened to her.

“Well, I guess, there’s no turning back,” seryoso niyang sambit bago sila tuluyang sumakay sa private plane nila.

***

Nicole Jane’s POV

I feel so calm, so relax and peaceful.

Tila ang gaan ng pakiramdam ko. Parang ayoko ng dumilat pa at tuluyan na lang manatili sa pagkakahimbing. It feels like it’s been a while since I last felt this kind of feeling. Refresh even for a while.

“My princess, please wake up already. We are all here for you.”

I know that voice. Hindi ako puwedeng magkamali.

“Nicole, anak, we missed you.”

That voice. It’s been a long time since I last heard that voice!

It made my eyes open slowly. Then there I saw my parents sitting beside my bed.

Hindi ko agad nagawang makapagsalita. I even pinch my cheeks just to be sure that I’m not dreaming.

I’m alive. I still am. Thank God.

“Anak!”

Agad akong dinaluhan ni Mommy at niyakap. Natigilan naman ako habang pilit na inaalala ang lahat ng mga nangyari.

Then it hit me.

Si Mikan na itinuring kong kaibigan ay kalaban pala. At hindi ko pa rin magawang maintindihan hanggang ngayon sa kung paano siya naging anak ni Marcus. Pati na rin ang naging laban namin kay Marcus. Sa pagkakaalala ko ay tuluyan ng nagtapos ang laban namin sa kanya.

Pero si Dave... si Dave!

“Anak! Calm down. Everything is okay now. Wag ka ng umiyak.” Hinimas ni Mom ang likod ko habang tinatapik naman ni Dad ang balikat ko.

Ramdam ko na nanghihina pa rin ako kaya naman ay napayakap na lang ako kay Mommy. Pero hindi ko maiwasan ang malungkot at mapaiyak nang maalala ko si Dave. He doesn’t deserve what just happened to him.

He’s a kind man. Sayang nga lang at hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon para makapagpasalamat man lang sa kanya. Kung tutuusin ay siya pa pala ang naging mas tunay kong kaibigan kumpara kay Mikan.

Napahiwalay naman kami sa isa’t isa nang bigla na lang naming narinig ang malakas na pagkalabog ng pinto. Natuon ang atensyon namin sa kung sino mang pumasok.

Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓Where stories live. Discover now