Chapter 11: Suspicion

10K 372 20
                                    

Chapter 11: Suspicion

Nicole Jane’s POV

Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa clinic. Habang ako naman ay patuloy pa rin na iniisip ang mga nangyari.

Mayroon talagang mali, eh.

I look down on my wristwatch for a second just to check what time is it already. Ngunit natigilan ako nang mapansin na pasimula na ang susunod naming klase.

“Alis na kami. Magsisimula na kasi ang klase namin. Hindi rin naman kami gaanong nasaktan, eh.” Hihilahin ko na sana si Mikan paalis pero agad kaming hinarangan ni Miley.

“Wala na kayong dapat na ipag-alala. Sina Kuya Vince at Hiro na ang nagsabi sa teacher n’yo na hindi kayo makakapasok ngayon.”

“What?” Aangal pa sana ako pero mabilis na nila kaming nahila kaya wala na kaming nagawa.

Pagdating namin sa clinic ay nadatnan namin si Kyle na nakaupo sa loob. Ano naman kayang ginagawa niya rito?

Hindi ko na lang siya pinansin dahil agad rin naman kaming sinalubong ng nurse rito.

“Pakigamot na lang po ang galos sa braso nila. Bumagsak po kasi sila pareho sa sahig dahil sa isang aksidente,” Reiri said.

Mabilis naman kaming dinaluhan ng nurse. Una niyang nilapitan si Mikan kaya nagmasid-masid lang muna ako sa paligid.

But my forehead creased when I caught her staring at me. Well, not particularly on my face.

Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya. Doon ko lang napagtanto na sa leeg ko pala siya nakatitig.

Then it reminds me of the red mark that suddenly appeared a while ago. I almost forget about it.

“Miss, baka puwedeng ito na lang po muna ang gamutin mo sa ‘kin. Hindi ko po kasi alam kung bakit bigla na lang ako nagkaroon ng ganito.” I pointed the right side of my neck.

She looks at me for a moment, then shook her head. “Pasensya na po. Pero sa tingin ko ay wala akong magagawa pagdating sa bagay na ‘yan. Hindi naman kasi ito isang klase ng sugat o sakit na puwedeng gamutin. Actually, it seems familiar to me. Hindi ko nga lang matandaan kung saan ko ba unang nakita ang ganyang marka.”

Nanlumo naman ako bigla nang dahil sa narinig ko at napatango na lang ang mga kasama ko.

Siguro nga ay balat talaga ang isang ‘to. Pero ang weird dahil ngayon lang ito lumabas at doon pa talaga sa parte na kitang-kita. Ang pangit kaya tingnan!

“Hey! What the hell is your problem?” Nagulat na lang ako nang bigla akong hilahin ni Kyle patayo.

Tiningnan niya ang braso ko na para bang mayroon siyang sinusuri rito. “Your wounds are healed,” he said more on to his self.

“Hala! Oo nga, Nicole! Wala na ang mga galos mo. How did that happened?” manghang tanong ni Mikan.

Napakurap ako. Pagkatapos ay tinitigan ko rin ng maigi ang braso ko. Wala na nga itong bakas ng kahit na anong sugat o galos man lang.

“I d-don’t know.” Parang kanina lang kasi ay nakita ko na mayroon pa akong galos.

“Wag mong sabihin na kusa na lang ‘yon gumaling? Hindi kaya may lahi kang bampira, Nicole?”

Sinamaan ko ng tingin si Mikan nang bigla siyang tumawa nang malakas.

I felt that everyone in this room aside from the two of us tensed up. I wonder why.

Well, maybe they’re just afraid of vampires. Who wouldn’t anyway?

“Seryoso ba? Bampira talaga?” Napailing na lang ako sa kanya. She’s really impossible.

Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓Where stories live. Discover now