Chapter 32: Confused

3.2K 123 1
                                    

Chapter 32: Confused

Reiri’s POV

Bumaba ang tingin ko sa magkahawak naming kamay. Sa isang iglap, pakiramdam ko ay tila idinuduyan ako sa alapaap nang dahil sa saya na nararamdaman ko ngayon. Matagal ko ng hinihiling na mangyari ang ganitong klase ng pagkakataon at hindi ko akalain na matutupad ‘yon ngayon.

Natauhan lang ako nang bigla siyang tumigil sa pagkaladkad sa ‘kin at siya na rin mismo ang kusang bumitiw. I felt a hint of disappointment because it felt so good to hold his hand that’s perfectly fit into mine. I can feel the security and an assurance that everything will be okay.

Grabe. Nahawakan ko pa lang ang kamay niya pero iba na ang epekto sa ‘kin.

“Ang akala ko ba walang laglagan? Rei naman, eh. Gusto ko lang ipaalala sa ‘yo na malapit ng matapos ang one month deal natin. Kaya tumupad ka sa pangako mo sa ‘kin.”

His eyes looked straight into mine. Those eyes that made me drown in my own thoughts every time I look into it.

“Rei? Okay ka lang ba? Wag mo sabihing natulala ka na sa kaguwapuhan ko?” He wiggled his eyebrows and even made a pogi sign.

That made me back to my senses and to the reality that it wasn’t my hand that he wants to hold. That I wasn’t the one who he wants to be with.

Napairap na lang ako para pagtakpan ang kahihiyang dulot ng pagkakatulala ko sa kanya.

“Asa ka pa. Saka hindi ko naman nakakalimutan na malapit ng matapos ang deal natin kaya wag kang mag-alala. Wala naman talaga akong balak sabihin ang tungkol doon kanina. Ikaw lang itong obvious masyado riyan.” I crossed my arms and looked away. Iniiwasan ko ang mapanuri niyang mga titig dahil hindi ko ito magawang tagalan.

Pakiramdam ko ay nanlalambot na rin ang mga binti ko. Pero kailangan kong tatagan ang loob ko at wag magpaapekto sa presensya niya.

After some seconds, I saw in my peripheral vision that he grinned.

Ang saya lang pagsusuntukin at pagsasampalin ng mukha niya. Okay lang naman siguro kung gawin ko ‘yon. Tutal ay mukhang manhid naman ang buong sistema niya at hindi niya magawang pansinin at intindihin ang nararamdaman ko.

“Good. Mabuti na ang sigurado. For now, let’s go to the dining hall first, and I was already starving to death!” Napahawak pa siya sa tiyan niya.

Napailing na lang ako.

Nagsimula na ulit siyang maglakad at napasunod na lang ako sa kanya nang maalala ko na nagugutom na nga rin pala ako. Pagdating namin sa dining hall ay halos kaunti na lang ang mga estudyante. Patapos na rin kasi ang break time.

Hi, Prince Hiro! Ang guwapo mo talaga!

Wahhh! Si Prince Hiro my loves!

Oh my, akin ka na lang! Please be my hero!

Napairap na lang ako sa kawalan nang magsimula na kaming maglakad papasok. Hindi naman ako mataray o maldita. Ang totoo niyan ay wala naman akong gaanong pakielam sa mga taong papansin sa paligid.

Pero ewan ko ba at kung bakit nang dahil sa ugok na kasama ko ngayon ay mabilis na napapatid ang pasensya ko.

Oo nga at kakaunti na lang ang mga estudyante rito. Pero kahit ganoon akala mo ay ang dami-rami pa rin nila nang dahil sa mga malalandi na kung makasigaw ay wagas. Most especially those common vampirettes!

Mas lalo naman akong nakaramdam ng inis nang magsimulang kumaway itong kasama ko na may kasama pang kindat. Kaya maraming babae ang umaasa nang dahil sa lalaking katulad niya na paasa. Ang babaero talaga niya kahit kailan.

Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓Where stories live. Discover now