Chapter 10: The Red Mark

11.2K 414 9
                                    

Chapter 10: The Red Mark

Nicole Jane’s POV

Ilang minuto na rin akong walang ibang ginawa kung hindi ang maglakad o tumakbo. Kanina ko pa kasi hinahanap si Mikan pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya makita.

She told me a while ago that she’ll just go to the library since she doesn’t have an appetite to eat. I told her that I’ll follow once I’m done with my food. But the moment I arrived at the library, I just find out that she’s not there anymore.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit ko nga ba siya hinahanap ngayon. Kung tutuusin ay wala naman dapat akong pakielam kung papasok ba siya sa susunod na klase o hindi.

Napailing na lang ako. Pero saan na nga ba napadpad ang babaeng 'yon? Ang lawak pa naman nitong kabuuan ng academy.

One month had already passed since I first came here. Hindi ko talaga lubos akalain na magtatagal ako rito. Pakiramdam ko kasi ay kakaunti lang kaming mga normal na tao rito.

I’m not saying that most of the people here were abnormal. Don’t get me wrong. Pero sadyang ang weird lang talaga ng karamihan sa mga nandito. Kahit ang mga teachers ay ganoon din. Pagkatapos ay sobrang ang puputla talaga nila.

Ni hindi rin uso ang pagdadasal dito sa hindi ko malamang kadahilanan. Wala rin silang subject sa ibang antas na may kinalaman sa relihiyon hindi tulad ng ibang mga eskuwelahan.

Dumagdag pa sa alalahanin ko ang isang kakaibang inumin na mayroon sila rito. Minsan ko na kasing nakita ang ibang mga estudyante na mayroong iniinom na kulay pulang likido. I don’t know if it’s a wine or what, but it’s kind of different.

Isa pa ay hindi naman siguro nila hahayaan na uminom ng ganoon ang mga estudyante rito. Gustuhin ko mang tikman ‘yon para sana malaman ko kung anong klaseng inumin 'yon ay hindi naman puwede. Pili lang kasi ang mga estudyante na puwedeng uminom nito.

Which is weird as well.

Maayos naman sana ang lahat dito sa academy. Para ka lang nagbabakasyon kung isasantabi mo ang tungkol sa pagpasok sa klase araw-araw. Wala akong mairereklamo pagdating sa facilities, security at sa standard ng edukasyon.

Ang nag-iisang problema lang na napapansin ko rito ay tungkol sa equality.

Nalaman ko rin na miyembro pala ng student council ang mga itinuturing nilang royalties. Sabagay, hindi ko naman maitatanggi na talagang matatalino at magagaling sila.

Sa paglalakad ko ay napadpad ako rito sa likurang bahagi ng dormitory building namin. Nagkalat din ang mga nagtataasan na puno rito at napakasariwa pa ng simoy ng hangin. Paborito naming tumambay rito kung minsan kaya baka naman nandito siya ngayon.

Hanggang sa natigilan ako sa paglalakad. Hindi nga ako nagkamali.

Napairap na lang ako nang sa wakas ay namataan ko rin ang hinahanap ko. Malapit na kasi matapos ang break time namin.

Nakatungo siya habang naglalakad. Abala kasi siya sa pagkalikot ng phone niya. Mukhang pabalik na rin siya.

Then she suddenly stopped while still looking down on her phone. Sisigawan ko na sana siya dahil malayo pa ang distansya naming dalawa nang may bigla akong napansin mula sa itaas.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang paso roon na mahuhulog. Babagsak ito sa mismong kinatatayuan ni Mikan kapag nagkataon!

“Mikan!” I shouted. Hindi ko na nakita kung ano ang naging reaksyon niya dahil mabilis akong tumakbo palapit sa kanya.

Masyadong mabilis ang mga naging pangyayari. Namalayan ko na lang ang sarili ko na nasa ibabaw ni Mikan. Natumba kasi kaming dalawa nang dahil sa lakas ng pagkakatulak ko sa kanya. Kasabay nito ang malakas na pagtunog ng isang nabasag na bagay.

Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon