Chapter 5: The Royalties

13.4K 426 35
                                    

Chapter 5: The Royalties

Nicole Jane’s POV

“Sigurado ka bang ayos ka lang talaga? Pasensya ka na kanina kasi hindi kita natulungan.”

Mikan kept on talking beside me with her head bowed down. Magmula ng matapos ang klase namin ay hindi na siya tumigil sa pagsasalita kahit hindi ko naman siya kinikibo.

Wala naman akong sama ng loob sa kanya. Sa totoo lang ay mas maigi nga na wala siyang ginawa kanina.

Ang kaso lang ay masyado siyang mabait. Hindi lang ako sanay na mayroong kumakausap at nag-aalala sa ‘kin ng ganito. Ang weird sa pakiramdam.

“I’m really fine. Besides, I’m not expecting any help because I don’t even need it.” I crossed my arms. She looked up at me this time.

“Isa pa ay kaya ko naman ang mga babaeng ‘yon, eh. Kung hindi lang dumating si Kyle ay paniguradong mayroon na silang kinalagyan,” determinado kong sambit.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad nang bigla siyang tumili sa tabi ko. Napatingin tuloy sa direksyon namin ang iba pang mga estudyante sa paligid.

Kunot noo ko siyang nilingon. May nasabi ba akong hindi maganda?

“Alam mo ba na nakakakilig kayong dalawa kanina? Lalo na noong binuhat ka niya! Parang bagong kasal lang ang eksena n’yo, eh. Kung nakita mo lang sana ang mukha ng mga babaeng humarang sa ‘yo. Inggit na inggit sila!” Napahawak pa siya sa braso ko. Ang bilis naman magbago ng mood ng babaeng ‘to.

“Ikaw na talaga! Kabago-bago mo pa lang dito pero naambunan ka na kaagad ng suwerte.” Hinilig pa niya ang ulo sa balikat ko na parang nananaginip siya ng gising.

Gusto kong masuka nang dahil sa sinabi niya. Nakakakilig? Suwerte? She must be kidding me.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami ng dorm at huminto sa tapat ng kanya-kanya naming kuwarto. Bubuksan ko na sana ang pinto nito nang bigla niya akong kinalabit sa balikat. Walang gana ko siyang nilingon.

“Sabay tayong kumain ng dinner, hah? Kakatukin na lang kita sa kuwarto mo mamaya.” Malawak siyang napangiti.

Nagkibit balikat lang ako sa kanya bago ako tuluyang pumasok sa loob ng kuwarto ko. Pero muntikan na akong mapasigaw nang mabungaran ko ang dalawang prinsesa ng eskuwelahan na ‘to. Prente silang nakahiga sa kama ko.

“Balak n’yo ba akong patayin sa gulat?” Napahawak ako sa dibdib ko at sinamaan sila ng tingin.

Napaupo naman sila at sabay na humarap sa ‘kin. “Sorry na, Ate! Nalaman kasi namin ang tungkol sa nangyari sa ‘yo kanina kaya naisipan naming dumalaw para kumustahin ka.” Napanguso si Miley.

Nagdududa ko silang tiningnan. “Okay. Pero paano naman kayo nakapasok dito?” Pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanilang dalawa.

Reiri pointed the door. “It’s not locked,” she answered as if it’s the most obvious thing in the world.

Natampal ko ang noo ko. Nakalimutan ko nga palang i-lock ang pinto kanina nang dahil sa sobrang pagmamadali.

“Pero kahit na. Hindi porke’t prinsesa kayo ay basta-basta na lang kayong papasok dito.” Ibinaba ko ang bag ko sa ibabaw ng mesa.

“Alam mo na pala,” magkasabay nilang sambit.

Sumandal ako sa tukador at seryoso silang tiningnan.

“Puwede n’yo bang ipaliwanag sa ‘kin kung paano nangyari ‘yon? Sino ba talaga kayo? Galing ba kayo sa isang royal family mula sa ibang bansa?” Sa totoo lang ay nahihirapan pa rin kasi akong paniwalaan ang tungkol sa bagay na ‘yon.

Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon