Chapter 26: Attacked

4.7K 152 4
                                    

Chapter 26: Attacked

Miley’s POV

Diretso akong nakatingin sa mga mata ni Kira at sinusulit ang pagkakataon na makasayaw ang lalaking mahal ko sa unang pagkakataon. Somehow, this night feels so magical.

Ang bilis ng naging takbo ng mga pangyayari. Parang kailan lang ng tuluyan kong masabi sa kanya ang tunay kong nararamdaman.

Yes. I had already confessed my feelings to him. Noong una ay nag-alinlangan pa ako nang dahil sa takot na baka layuan o iwasan na niya ako.

But I took the risk. And to be honest, the result is not what I expect it to be.

Wala man akong nakuhang tugon mula sa kanya ay ayos lang. Dahil unang-una sa lahat ay hindi naman ‘yon tanong na kailangan niyang sagutin. Pangalawa, alam ko naman na hanggang ngayon ay si Ate Nics pa rin ang nasa puso niya. It still hurts. But I promised that I’ll help him to get over her.

Nagkaroon kami ng maayos at seryosong usapan. Pinaliwanag rin niya sa ‘kin ang lahat ng tungkol sa kanila ni Mikan. He also told me that Mikan is just a friend for him.

But me? I am somehow what they call a special friend to him. Ang malaman na espesyal pala ako sa kanya ay nagdulot na ng sapat na kasiyahan sa ‘kin.

Ngunit napakunot noo na lang ako nang bigla siyang tumigil sa pagsayaw. Dahilan para mapahinto rin ako.

“May problema ba?” naguguluhan kong tanong sa kanya.

He let out a soft chuckle and there’s a hint of amusement on his eyes. “Tapos na ‘yong kanta. Hindi mo ba naririnig ang malakas na palakpakan?”

Nanlaki ang mga mata ko at wala sa loob na napalinga sa paligid.

Hala oo nga! Kami na lang pati ang nandito sa gitna dahil nag-alisan na ang iba pang pares. Nasa amin tuloy ang atensyon ng karamihan.

Ramdam ko ang biglang pag-iinit ng pisngi ko. Hinihiling ko na sana ay bumuka ang lupa at lamunin ako nito nang dahil sa kahihiyan.

“O-oo nga no. Pasensya na. Tara na.” Nagmamadali akong naglakad palayo at hindi ko na siya hinintay pa.

Nakakahiya!

Agad akong tumungo sa kinaroroonan ng mga kaibigan namin at ni Kuya. But it looks like I made a wrong decision. Dahil lahat sila ay pawang nakangisi sa ‘kin.

Puwera na lang kay Kuya na seryoso ang mukha.

Napalunok ako.

“May gusto ba kayong sabihin sa ‘min?” tanong ni Kuya Kyle at pinaglipat-lipat ang tingin sa ‘min ni Kira.

Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling. Nang lingunin ko naman si Kira ay tanging ngiti lang ang kanyang tinugon.

“Dali na kasi! Kakanta lang, eh,” rinig kong sigaw ni Reiri kaya napatingin kaming lahat sa direksyon nila.

“Ano ba naman, Rei? Hindi pa nga ako nakakabawi sa ginawa mong pagpapasayaw sa ‘kin noong isang araw, pagkatapos ngayon ay pakakantahin mo naman ako. Saka Pusong Bato pa talaga ang suhestiyon mo?” Napailing si Hiro. “No way! I’m done with this!”

Hindi ko naiwasan ang matawa. Seryoso ba si Rei? Pusong Bato talaga?

Rei shrugged. “Okay. Madali naman akong kausap, eh.” Bumaling naman siya sa ‘min at ngumiti nang nakakaloko.

“Please excuse me. May hahanapin lang ako. I have an announcement to make.” Akmang aalis na siya nang mabilis siyang napigilan ni Hiro.

“Fuck! Oo na! Kakanta na!” naiinis niyang sabi bago tinahak ang daan papuntang stage.

Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon