Chapter 14: Lost Memories

10.3K 346 10
                                    

Chapter 14: Lost Memories

Third Person’s POV

Tahimik lamang na nakamasid ang hari mula sa bintana ng bulwagan nang biglang pumasok ang isa sa mga taong pinagkakatiwalaan niya. Kahit hindi siya lumingon ay kilala na niya ito base na rin sa presensya nito.

“Nagkaroon ba sila ulit ng pag-atake pagkatapos noong nangyari sa supermarket?” kalmado niyang tanong. Kahit na ang totoo ay nagngingitngit ang kalooban niya dahil may mga panibago na namang nabiktima ang kanilang kalaban.

“Wala pa po. Sa ngayon ang pangyayaring ‘yon ang pinakahuling insidente ng pagkuha niya sa mga tao. Nagawan na rin po namin ng paraan na hindi na ito makalabas pa sa publiko.”

The king sighed. “Malamang ay mayroon na siyang inihahandang plano laban sa ‘tin. Kaya ganoon na lang kung makapagpalakas siya ng puwersa nitong mga nakaraang buwan.”

Tumalikod siya upang harapin ang kausap. “Alam mo ba na nandoon din siya sa insidenteng ‘yon? Don’t you feel somehow afraid?”

Malawak na ngumiti sa kanya ang kausap bago umiling. “Malaki po ang tiwala ko sa kanya. Saka alam ko na sa mga oras na ito ay unti-unti na siyang may natutuklasan sa sarili niya. Isa pa ay mas kampante po ako ngayon dahil nandoon din naman siya.”

The king can’t help but smile. “Yeah. You’re right. As long as they’re on each other’s side, there’s nothing to worry about.”

***

Kyle Ethan’s POV

“Are you already sure about this?” Vince asked seriously.

I closed my eyes, then rested my head on the couch. “Yes. Ginawa na rin natin ang lahat pero hanggang ngayon ay wala pa rin tayong napapala.”

“Sinabi ko naman kasi sa ‘yo. Tanging ang hari at reyna lang ang pag-asa natin. Kailan ba tayo babalik sa palasyo?” I felt Hiro sat beside me.

“Mamayang gabi na. Actually, I have this weird feeling. Pakiramdam ko ay mayroong mangyayari na hindi maganda kaya kailangan na nating magmadali.” Sa totoo lang ay hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko.

Kahapon, kahit mataman ko lang na pinagmamasdan ang nakangiting mukha ni Nicole habang nagkukwento ay ang saya-saya lang sa pakiramdam.

Pero hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang nararamdaman ko. If I could only stay on her side all day, I’ll be very willing to do so. Just to make sure that she’s safe and protected.

“Sana lang talaga ay malaman na natin ang totoo. Para hindi na rin natatakot at naguguluhan si Ate.” I opened my eyes and saw Miley pouted. Masyado na talagang napalapit ang loob nila kay Nicole.

“Shit!” Napatingin kami bigla kay Kira. He looks troubled.

“What’s the matter?”

He sighed, then ran his fingers through his hair. “We almost forgot. Bukas na nga pala magaganap ang eclipse. That’s why we really need to go to the palace. Especially you.” Matiim niya akong tinitigan.

“Oh. Oo nga pala, Kuya Kyle! It’s the time that we’ll receive more power. Kaya mas mapoprotektahan mo na rin si Ate. I’m so excited!” Reiri giggled.

Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Oo nga pala. Sa pagkakaalam ko ay kinakailangan muna naming manatili ng ilang araw sa palasyo pagkatapos ng eclipse.

“Wag kang mag-alala, Kuya. Magkakasama naman tayo, eh.” Miley assured me.

I shook my head. “Hindi naman ‘yon ang inaalala ko.”

Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon