Chapter 13: Officially His Girlfriend

11.7K 362 18
                                    

Chapter 13: Officially His Girlfriend

Nicole Jane’s POV

Just promise me that after two years, you’re going to marry me.” The boy held the girl’s hand and smiled so sweetly at her.

I promise! Fiancée mo na nga ako, ‘di ba?” She giggled, then held her left hand up, showing him their engagement ring.

I’m just making sure, you know. Mahirap na at makakalimutin ka pa naman.” He chuckled when she hit his right shoulder hard.

Ewan ko sa ‘yo! Kahit kailan talaga ay hindi puwedeng hindi ka mang-aasar, no.” Tumalikod sa kanya ang babae at humalukipkip.

Tinusok-tusok naman ng lalaki ang tagiliran nito. “Ito naman pikon agad. Binibiro ka lang, eh.

Nanatiling walang imik ang babae pero unti-unti ng sumisilay ang ngiti sa kanyang mga labi.

Napasimangot naman ang lalaki.“Hindi mo pa rin ba ako papansinin?” Sa pagkakataong ito ay kiniliti naman niya ang babae pero dedma pa rin.

Ah ganoon. Sinusubukan mo talaga ako, hah.

Naramdaman ng babae ang biglang pag-alis ng lalaki sa likod niya. She’s about to turn her back to check on where he is when suddenly, the boy appeared in front of her.

Akala mo, hah! Tingnan lang natin kung hindi mo pa rin ako papansinin pagkatapos ng gagawin ko.

Magsasalita na sana ang babae ng biglang...

Sinakop ng lalaki ang labi niya.

My eyes flew open, and I pushed myself up from the bed.

Malalim akong napabuntonghininga. Magmula noong araw na nalaman ko ang lahat ay gabi-gabi na lang akong nagkakaroon ng panaginip tungkol sa isang lalaki at babae. Pero hanggang ngayon ay pawang hindi ko pa rin sila nakikilala dahil malabo pa rin ang kanilang mga mukha.

Sino kaya ang mga ‘yon? Noong unang beses ko kasing managinip ng tungkol sa kanila ay magkaaway sila at para talagang mga aso’t pusa. Until they became friends, then now engaged.

Grabe. Para na nga akong nanonood ng teleserye. Hindi kaya eksena lang ang mga ‘yon sa isang palabas?

Napailing na lang ako. Ayoko ng problemahin pa ang tungkol sa kanila. Tutal ay panaginip lang naman ‘yon, eh.

Mahigit isang linggo na rin ang lumipas magmula ng sunod-sunod na rebelasyong nangyari. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang paniwalaan ang lahat.

Isa pa ay nandoon pa rin ang takot sa kaloob-looban ko. Kahit papaano ay mga bampira pa rin naman sila. But they assured me that they're not the kind of vampires who suck blood from humans. Hindi pa raw nila 'yon nasusubukan. Isa pa ay nakasanayan na raw nila ang pag-inom ng dugo ng hayop.

Kaya pala madalas silang wala rito. Because they’re hunting. Habang ako naman ay nakasanayan ko na rin na makita ang mga kakaiba nilang kakayahan. Kahit ang sa ‘kin.

Tumayo na ako at naghanda sa pagpasok. Ilang araw na rin akong hindi nakakapasok dahil tumutulong din ako sa kanila para alamin ang katotohanan tungkol sa tunay kong pagkatao.

I even contacted my parents and asked them some ridiculous questions. In my desperation, I even asked them if we're really a human!

Which made me earned a teasing laugh from them. Napagkamalan pa tuloy nila akong may problema sa pag-iisip. Baka raw naapektuhan na dahil iniwan nila ako rito.

Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓Where stories live. Discover now