Chapter 27: The Twin Witch Sisters

5.1K 148 3
                                    

Chapter 27: The Twin Witch Sisters

Nicole Jane’s POV

Dalawang araw na ang lumipas magmula ng party at bumalik na rin ang lahat sa normal. Kanya-kanya ng kuwentuhan ang karamihan sa mga estudyante tungkol sa nagdaang exams. Ang ilan naman ay nakatambay lang sa field para magpahinga habang mayroon din namang mga naglalaro.

Halos lahat sila ay nagkakasiyahan at nagtatawanan. Ngunit wala kang maririnig sa usapan nila na may kinalaman sa nagdaang student’s night.

Nakatungo lang ako habang naglalakad papunta sa classroom namin nang may biglang kumapit sa braso ko. I looked up and saw Mikan pouting beside me.

“Ano ba talagang nangyari nitong nakaraang Biyernes at hindi natuloy ang party? Kahit anong isip kasi ang gawin ko ay wala talaga akong maalala. Weird.” Napatingala pa siya habang nakahawak sa kanyang baba at tila nag-iisip.

Nagkibit lang ako ng balikat hanggang sa makarating at makapasok na kami sa loob ng classroom namin. Patuloy naman sa pagsasalita si Mikan hanggang sa makaupo na kami. Pero wala naman akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Lutang kasi ang isip ko nang dahil sa maraming bagay.

Kahit ng magsimula na ang klase ay tahimik lang ako habang inaalala ang mga nangyari nitong nakaraang araw.

Athena used her ability to make all of them fell asleep here. While Althea was the one whose responsible for their memory loss. I also learned that the two of them were a twin witch sister. White witches to be exact, the good ones.

Nabanggit din nila sa ‘min na ang angkan pala nila ang kinausap ng mga magulang namin ni Kyle noon para hilingin na kuhain at mailipat sa ‘min ang kanilang kapangyarihan kapag dumating na ang panahon ng muli naming pagbabalik.

Binura ni Althea sa alaala ng halos lahat ng mga nandito ang tungkol sa naganap na party at maging ang apat na estudyanteng namatay. Mas mabuti ng hindi nila maalala na minsan ay naging kaklase at kaibigan nila ang mga ito.

Maging ang memorya ng mga magulang na may kinalaman sa mga taong estudyante na namatay ay pinabura rin nila. Sa totoo lang ay ayoko sana sa ideya na ‘yon. Nakaka-guilty kasi dahil alam kong malaking parte ng buhay nila ang aalisin namin at mawawala sa kanila.

But we don’t have any other choice. Hindi puwedeng malaman ng mga tao ang tungkol sa mga bampira. Mahirap na rin dahil baka mas lalo pang lumaki ang komplikasyon at may mga madamay pang iba.

Ayon din sa kambal ay matagal na raw silang dumating dito dahil ipinatawag sila sa palasyo. They also informed us that they’re the one whose responsible for the memory loss of the humans that has been attacked in the supermarket some months ago. Kung saan ay naging saksi rin ako sa mga naging pangyayari.

Hindi ko naman naiwasan ang mamangha sa kakayahan ng magkapatid na ‘yon. Lalo na kay Althea. Pero hindi naman daw niya basta-basta ginagamit ang abilidad niya lalo na kung hindi naman kinakailangan. Nasisira kasi nito ang kabalansehan ng mundo.

Nakuwento rin nila na kaya pala sila pumunta ng academy ay para makita ako. Matagal na daw nila akong gustong makilala. Magmula pa lang noong araw na mabalitaan nila na rito na ako nag-aaral. Tuwang-tuwa raw sila noong malaman nila ‘yon.

Pero inabisuhan daw sila ng hari na wag daw munang magpapakita sa ‘min dahil may ilang mga bagay pa na pinaasikaso sa kanila.

“Nics.”

Napakurap ako at nilingon si Mikan na nakakunot ang noo at titig na titig sa ‘kin. “What?”

“You’re spacing out through the whole class. Kanina pa tapos ang klase pero ang lalim pa rin ng iniisip mo. May problema ba?” she asked worriedly.

Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon