Chapter 28: The Truth Behind Their Past

4.6K 146 0
                                    

Chapter 28: The Truth Behind Their Past

Kyle Ethan’s POV

“Pasensya na, anak. Pero wala sa kahit na sino sa kanila ang hinahanap natin. Wala naman akong nakita na kahina-hinala mula sa nakaraan nila at maging sa mga isip nila.” Bakas ang pagkadismaya sa mukha ni Dad.

“It’s okay, Dad. You already did your part. You should go back now to the palace and take some rest. It will take some time for you to regain your strength again.”

Napatango siya at marahan akong tinapik sa balikat. Nilingon ko naman si Althea na nanghihina na rin sa isang sulok habang inaalalayan ng kakambal niyang si Athena.

“Ikaw rin, Althea. Marami ka na ring nagamit na kapangyarihan magmula pa lang noong nakaraan.”

She just gave me a weak smile.

Ang mga kasama naman naming protectors at royal guards na ang nagbalik sa mga estudyante sa kani-kanilang silid. They will experience another memory loss again.

“Wala pa rin ba si Nicole? Sayang at hindi ko siya nakita ngayon.” Nagpalinga-linga si Dad sa paligid at ganoon din ang ginawa ko.

Napailing na lang ako nang mapansin na hindi pa rin siya bumabalik. “Mukhang napasarap ata ang kuwentuhan at pagtambay nila ni Steph sa kung saan. Don’t worry, I’ll look for her after.”

Muli niyang inilibot ang tingin sa paligid. “Sa tingin ko ay makabubuti kung mas hihigpitan pa natin ang seguridad sa buong academy. Maging ang pagtanggap ng mga estudyante.” Kumuyom ang kanyang kamao. “We should know better.”

“Magtutulong-tulong po tayo, Dad. History should not repeat itself,” seryoso kong wika sa kanya.

Umigting ang kanyang panga. “You’re right. Pero hindi rin sana mangyayari ang lahat ng ‘to kung hindi dahil sa ‘kin.”

Napakunot ang noo ko nang dahil sa sinabi niya.

“What do you mean by that? Wala po kayong kasalanan.”

Napailing siya kasabay ang pagsilay ng malungkot na ngiti sa kanyang mga labi. “No. You don’t understand, son.”

Mas lalo naman akong naguluhan nang dahil sa naging sagot niya. “Then let me understand, Dad. I’m listening.”

Inilagay niya ang dalawang kamay sa likod at nagsimulang maglakad. Tahimik naman akong sumunod sa kanya.

“There are times when you no longer need to know everything and there are words that is better to remain unsaid.”

Marami pa akong gustong sabihin at tanungin pero mas pinili ko na lamang na mapatango. Kilala ko si Dad. Hindi siya ang tipo na mapipilit mong sabihin o gawin ang isang bagay na hindi niya gusto.

But I hope that he can still open up for me when the right time comes.

Nag-usap pa kami saglit ni Dad bago siya tuluyang nagpaalam kasama ang magkapatid na Stanford. Hanggang sa makaalis sila ay wala pa rin sina Nicole at Steph.

Saan kaya nagpunta ang dalawang ‘yon?

Kanina ko pa sila hinahanap at nalibot ko na ang buong academy, maging ang buong mansyon at ang dulo ng kagubatan. Pero ni anino nila ay hindi ko nakita. Even Mikan was looking for her before she fell asleep. Ang akala ko pa naman ay bumalik siya sa klase.

“Hindi kaya lumabas ng academy ang girlfriend mo?”

I looked up at Vincent whose leaning his back against the wall with his arms crossed. Walang emosyon ang kanyang mga mata na nakatuon sa ‘kin ngayon.

Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon