Chapter 34: Plans

3.4K 118 1
                                    

Chapter 34: Plans

Nicole Jane’s POV

“Where have you been?”

Natigilan ako nang marinig ang malamig niyang boses pagkababa na pagkababa ko pa lang ng kotse. I took a deep breath and gave Mikan an assuring smile who looked so stunned, before I turned to him.

“Can we talk somewhere?” Ayoko lang kasi na kung magtatalo man kami ay sa harap pa mismo ni Mikan.

Seryoso lang siyang nakatingin sa ‘kin. Pero mababanaag sa mga mata niya ang galit.

Can’t blame him though. Kasalanan ko rin naman dahil ang hilig kong umalis ng hindi nagpapaalam sa kanya o sa kung sino man sa kanila.

Tumingin muna siya kay Mikan bago muling ibinalik ang atensyon niya sa ‘kin.

“We really need to talk.”

Magsasalita pa sana ako nag bigla na lang niyang hinigit ang kamay ko at kinaladkad ako paalis. I looked back to Mikan and saw her worried face. I mouthed it's okay, then smiled at her.

Habang naglalakad ay tahimik lang kami pareho at ramdam ko ang tensyon na namamagitan sa ‘ming dalawa. Kinagat ko ang ibabang labi at hinayaan ko lang siya na dalhin ako sa kung saan. I don’t know if it’s just me, or he was really mad about something aside from the fact that I sneaked out of the academy without him knowing.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa mansyon at nagulat pa ako nang makita ko silang lahat na nandoon. Tila ba hinihintay talaga nila kami. Even Steph was there.

“What’s going on? Is everything okay?” I roamed my eyes and looked at each one of them. They’re freaking serious and in deep thoughts. Hindi ko tuloy mawari kung dapat ba akong kabahan o ano.

“Hindi ba dapat kami ang magtanong niyan?” Kyle asked back while giving me a deadly stare.

“Calm down, Kyle. Let’s hear her first.” Kira smiled at me.

Napakunot noo naman ako dahil wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila. Akmang magtatanong pa ako nang makuha ng tatlong piraso ng papel na nakalatag sa ibabaw ng bilugang mesa ang atensyon ko. Napasinghap ako nang mapagtanto na ang mga banta na natanggap ko ito.

How did they get it?

Sinamaan ko ng tingin si Kyle nang may maisip.

“Nangielam na naman ba kayo sa mga gamit ko?”

Ayoko pa naman sa lahat ay ang may gumagalaw ng mga gamit ko. Lalo na kung walang paalam. Ginawa na rin kasi nila ito rati ng ilang beses at kahit ay pinalampas ko na ang mga ‘yon.

Pero blangko lang ang ekspresyon niya at tila wala lang sa kanya ang ginawa kong pagsigaw.

“It doesn’t matter anymore. The mere fact that you didn’t tell us about those threats and your sudden missing in action for the whole day means that you're hiding something. Now, care to tell us when did you receive those threats and where the hell did you go with Mikan?” Mababa lang ang tono ng boses niya. Pero mahihimigan pa rin ito ng awtoridad.

“Ang mga ito ba ang dahilan kung bakit parang balisa ka nitong mga nakaraang araw, Ate?” may pag-aalalang tanong ni Miley.

Hindi ko naiwasan ang makaramdam ng guilt. Wala man lang akong kamalay-malay na nahahalata at naaapektuhan na pala sila ng mga ikinikilos ko.

Lahat sila ay matamang nakatingin sa ‘kin. Kaya naman ay wala na akong ibang nagawa kung hindi ang tumango.

Umupo ako sa bakanteng couch at sinimulang ikuwento sa kanila ang lahat. Kung kailan at saan ko nakuha ang mga sulat. Pati na rin ang tungkol sa batang lalaki na nagligtas sa ‘kin noon. Sa pagkakaroon niya ng parte sa nakaraan ko at ang plano kong paghahanap sa kanya. Maging ang tungkol sa mga panaginip ko at pati na rin ang ginawa naming pagpunta ni Mikan sa puntod ng nakatatanda niyang kapatid ay binanggit ko rin.

Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang