Chapter 18: A Fight For Love

8.3K 255 18
                                    

Chapter 18: A Fight For Love

Marcus’ POV

“Papunta na po ang isa sa mga alagad para ipadala ang sulat sa prinsipe,” magalang na sabi ng kanang kamay ko na si Raphael.

Napatango ako. “Mabuti kung ganoon. Siguraduhin n’yo lang na makakarating ang sulat na ‘yon sa prinsipe at bukod tanging siya lamang ang makakabasa nito. Hindi ito dapat mabasa ng kahit na sino mula sa kaharian. Lalo na ng magaling niyang ama. Dahil kakailanganin ko rin ang kapangyarihan niya para naman sa anak ko.”

Hindi naman kasi nalalayo ang lakas ng kapangyarihan niya kumpara sa prinsesa. Kaya mas maigi na makuha ko rin ito para magkaroon naman siya ng silbi bago man lang ulit siya mamatay.

“Makakaasa po kayo. Alam na po nila ang dapat nilang gawin.” Tumungo siya at akmang aalis na nang may bigla akong maalala.

“Nasaan nga pala si Dave? Kanina ko pa siya hindi nakikita. Bigla na lang siyang nawala ng hindi man lang nagpapaalam,” may diin kong tanong habang mataman akong nakatingin sa kanya.

Muli siyang yumuko. “Ipagpaumanhin n’yo po. Pero hindi ko pa po siya nakikita ulit magmula ng dumating tayo rito.”

Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga ay sakit sa ulo ang batang ‘yon. Hindi ko tuloy maiwasang pagdudahan ang mga ikinikilos niya kung minsan.

Wala naman akong naririnig na pagtutol sa kanya tungkol sa mga plano ko. Pero alam kong hindi rin siya sang-ayon sa mga ito na lubos kong pinangangambahan. Dahil kahit anak ko siya ay hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya sa oras na traydurin niya ako.

“Sige. Makakaalis ka na.”

Pagkalabas niya ay tumayo naman ako mula sa ‘king kinauupuan at matamang pinagmasdan ang kalangitan. Halos katitigil lang ng malakas na hangin at ulan na alam kong si Kyle ang may kagagawan.

Naikuyom ko ang kamao. Kung hindi dahil sa propesiyang ‘yon ay hindi sana nawala sa ‘kin ang babaeng pinakamamahal ko. Sana ay ako ang pinili niya at hindi ang lalaking ‘yon!

Kami dapat ang mayroong buo at masayang pamilya ngayon. Pero hindi nangyari ang lahat ng ito nang dahil sa prinsipeng ‘yon.

Hindi na dapat siya nabuhay pang muli. Kaya naman ay panahon na para ibalik ko siya sa pinanggalingan niya. Kasama ang panibagong angkan na kinabibilangan niya.

At sisiguraduhin ko na sa pagkakataong ito ay tuluyan na silang mauubos.

***

Kyle Ethan’s POV

Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay nagawa ko ring kontrolin ang emosyon at kapangyarihan ko. Tumigil na ang malakas na buhos ng ulan na ilang oras ding nagtagal.

Hindi na dapat maulit pa ang nangyaring pagwawala ko kanina. Dahil kitang-kita ko ang takot sa mukha at sa mga mata ni Miley noong mga oras na ‘yon. Pati na rin ang iba pang royalties. Nang dahil dito ay medyo nahimasmasan ako.

Pero hindi ko lubos akalain na kahit nagawa ko ng kimkimin na lang ang galit ko ay kakawala at kakawala pa rin ito sa ibang paraan.

Kaya naman ay kailangan kong humingi ng tawad sa kanila. Ayoko namang mag-iba ang tingin nila sa ‘kin nang dahil sa nangyari.

Tumayo na ako mula sa pagkakalugmok sa sahig at tinungo ang pinto. Kailangan ko rin talaga silang puntahan para makibalita na rin kung may nakalap na ba silang bagong impormasyon sa kung saan maaaring dinala ni Marcus si Nicole. Dahil alam ko na kalaban din namin ang oras ngayon kaya kailangan na naming kumilos agad.

Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon