Chapter 20: Broken Hearts

8K 216 41
                                    

Chapter 20: Broken Hearts

Nicole Jane’s POV

“Kumusta ka na? Mahigit isang linggo rin kitang hindi nakita, ah!”

Nagulat na lang ako nang bigla akong yakapin ni Mikan nang mahigpit na halos ikabuwal ko rito sa damuhan.

Today is Saturday. Nandito kami ngayon sa school field. Most of the students were out of the academy to go strolling, or to go home for a while. Kaya halos kami-kami lang ang nandito. Ang iba namang hindi umalis ay nasa kanya-kanyang kuwarto lang nila.

“Let go of me! Ang clingy mo talaga kahit kailan.”

Tatawa-tawa siyang kumalas ng pagkakayakap sa ‘kin. Inirapan ko lang siya.

“You can’t blame me. Mahigit isang linggo ka kayang nawala. Pero maayos na ba ang family problem n’yo?” Her face suddenly became worried.

Natigilan at napatingin ako kay Kyle. Tinanguan lang niya ako.

Oo nga pala. Muntikan ko ng makalimutan na ‘yon pala ang sinabi nilang dahilan sa mga teachers namin at kay Mikan kung bakit ako matagal na nawala.

“It’s fine now,” tipid kong sagot para hindi na lumawak pa ang kasinungalingan ko. Nakakakonsensya rin kasi dahil mukhang nag-alala talaga siya ng husto. If I could only tell her the truth.

Muli siyang ngumiti. “That’s good to hear.”

Nagulat naman ako nang bigla siyang mapasinghap. “Muntik ko ng makalimutan! May ibibigay nga pala ako sa ‘yo.” Binuksan niya ang bag niya at may hinanap.

Pero ilang saglit pa ay nakakunot ang noo na nag-angat siya ng tingin.

“May problema ba?” I asked worriedly.

She gave me an apologetic look while biting her lower lip. “Hindi ko kasi mahanap dito sa bag ko, eh. Naiwan ko pa ata dahil sa sobrang pagmamadali. Babalikan ko lang, hah.”

Pipigilan ko pa sana siya pero mabilis na siyang nakatakbo paalis.

Ano kaya ang bagay na ‘yon at gusto niyang maibigay agad? Samantalang araw-araw at maya’t maya naman kaming nagkikita.

“Babe,” Kyle called me out.

Agad akong napaiwas ng tingin nang maramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi. Kailan kaya ako masasanay sa endearment na ‘yon?

Napalinga ako sa paligid. Ngayon ko napagtanto na kaming dalawa na lang pala ang nandito.

“Babe,” he called again in a husky voice.

Napapikit ako nang mariin. Nang-aakit ba ang isang ‘to?

Nakasimangot akong lumingon sa kanya. “Ano ba—” Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang paglapat ng labi niya sa labi ko.

Ano ba naman ‘tong bampira na ‘to? Bigla-bigla na lang nanghahalik!

Hindi ba puwedeng kagat muna?

Ipinilig ko ang ulo nang dahil sa naisip. Pakiramdam ko ay nagiging manyak na rin ako nang dahil sa lalaking ‘to!

Hindi pa man din ako nakakahuma sa paghalik niya sa ‘kin ay may narinig naman akong tunog na tila galing sa isang camera. Awtomatiko akong napalayo sa kanya para tingnan kung ano ‘yon.

Pero mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makumpirma na may hawak siyang camera na nakatutok sa ‘min!

“Hey! Burahin mo ‘yan!”

Mabilis niya itong inilayo at iniangat habang pilit ko namang inaabot ‘yon.

“Ayoko nga! Ang cute mo kaya rito. Tingnan mo at dilat na dilat pa ang mga mata mo.” Mabilis niyang ipinakita sa ‘kin ang kuha niya habang nakangisi.

Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon