Chapter 8: Mystery

11.6K 419 15
                                    

Chapter 8: Mystery

Nicole Jane’s POV

“I still can’t believe of what happened. It seems like some kind of kidnapping case,” Mikan said out of the blue.

Wala ni isa sa ‘ming tatlo ang nagkomento sa sinabi niya dahil pare-pareho kaming malalim ang iniisip.

We are now on our way back to the academy. I looked outside the window, while Kyle’s resting his head on the car window. Kira’s focused on driving and Mikan’s busy doing something on her phone.

Pagkatapos ng nangyaring insidente kanina ay dali-dali akong hinila ni Kyle palabas. Sa paglingon ko ay nakita ko si Mikan na hila-hila naman ni Kira. Samantalang hindi ko naman siya napansin kanina.

Ang weird talaga ng magkaibigang ‘to dahil bigla-bigla na lang silang sumusulpot. They’re like Miley and Reiri.

Sa paglabas namin ay nagpalinga-linga pa sila sa paligid na tila ba mayroong hinahanap. Ganoon din ang ginawa ko kahit hindi ko naman alam kung ano o sino ba ang hahanapin ko. Hanggang sa matuon ang atensyon ko sa isang lalaki.

He’s standing in front of a post far away from us and wearing a hoodie. Kung kaya naman ay hindi ko naaninag man lang ang mukha niya.

Pero nasisiguro ko na sa ‘min siya nakatingin. Hanggang sa namalayan ko na lang na naitulak na pala ako ni Kyle papasok sa loob ng kotse. Nang muli akong tumingin sa lugar kung saan nakita kong nakatayo ang misteryosong lalaki ay wala na ito roon.

I don’t know why. But there’s something in him that caught my attention.

Malalim akong napabuntonghininga. Sa totoo lang ay naisip ko na rin kanina ang sinabi ni Mikan.

Kidnapping? May punto rin naman siya roon. Pero kahit pa sabihin nating marami sila na may kagagawan ng bagay na ‘yon ay parang imposible pa rin na magawa nila ito ng ganoon kabilis at wala man lang naiwan na kahit anong bakas. Kung iisipin mong mabuti ay mapapagtanto mo na hindi naman ito magagawa ng isang pangkaraniwang tao lang.

Ang isa pang gumugulo sa isip ko ay kung sino ba ang talagang pakay nila? O baka kahit sino na lang ba na makuha nila? Paano na lang kung hindi naman mayaman ang nadakip nila?

Then it’s useless. Something’s really wrong in here.

“It can be, but it cannot be as well. Malay natin at baka balak nilang gamitin ang mga taong ‘yon sa ibang bagay,” wala sa loob kong sabi. Ramdam ko naman na napatingin silang tatlo sa ‘kin.

“What do you mean by that?” Kyle asked curiously.

I shrugged at him. “I’m just thinking of some random things.”

Papalapit na kami sa academy ng muli kong mapansin ang tila kumikislap na bagay na nakapalibot dito.

Napaayos ako ng upo at tinitigan pa ito ng husto. “Nakikita n’yo rin ba kung anong nakikita ko?” hindi ko na napigilang itanong sa kanila. Ngayon ko lang din kasi naalala na nakita ko na nga pala ang bagay na ‘yon dati noong inihatid ako nila Dad rito.

Pero dahil maaga pa naman ng araw na ‘yon ay naisip ko na baka dahil lang ito sa sinag ng araw. But now that it’s dark already, I can see it more clearly.

“Sa dinami-rami ng nakikita namin sa paligid, alin doon ang tinutukoy mo?” Kyle asked sarcastically.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

“Oo nga. Ano ba ang tinutukoy mo, Nicole?” Mikan asked too, while still playing with her phone. Maybe she’s doing that to forget what had just happened.

Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon