Chapter 37: Saving Her

3.3K 116 9
                                    

Chapter 37: Saving Her

Nicole Jane’s POV

I tried to move my body, but I couldn’t. I tried to open my eyes, but I feel so tired. I want to speak up, but I’m too weak. Most of all, I don’t know where I am.

Oh, hell. Where am I anyway? Why does it feel so creepy?

Then the realization suddenly hit me.

Mikan

Slowly, my eyes started to open. My vision was blurred at first until it finally became clearer. And the very first thing, or person rather, that comes into my sight is none other than her.

“Why?” That was the first word that slipped out of my mouth.

My eyes started to water, but I blinked it away. Hangga’t maaari ay ayokong isipin na kalaban siya. But I know that I’m just fooling myself. The truth is already slapping me hard now, right here in front of me.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at dahan-dahang lumapit sa ‘kin. The Mikan that I used to know is far different from the Mikan that’s now staring at me with a blank expression.

“You know what, Nicole, it’s just this simple. I hate you, the royalties, the pureblood clan and most especially...” Tiningnan niya ako nang masama at ramdam ko ang kinikimkim niyang galit mula roon. “Your clan.”

Napakunot noo ako nang dahil sa sinabi niya. Wala kasi akong matandaan na may ginawa akong masama, ang mga kaibigan ko, ang pamilya ni Kyle at lalo na ang pamilya ko laban sa kanya.

“What do you mean? I don’t understand!” I shouted at her.

Tumawa siya nang malademonyo na talaga namang nagpakilabot sa ‘kin. Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko ngayon na kailangan niyang mabigyan ng sagot. I was too shocked and confused on what the hell is really going on here.

She’s about to speak when the door suddenly opened. Iniluwa nito ang kaisa-isang nilalang na kinamumuhian ko at hindi ko na gugustuhin pang makita sa mundong 'to.

“Oh. I’m glad that you’re awake already. Did you have fun talking to my daughter?” Tumabi siya kay Mikan at tinapik ang balikat nito.

Kita ko ang pagkinang ng mga mata ni Mikan na tila biglang sumaya. Na tila isa siyang anak na napuri maigi ng magulang niya.

Ako naman ay tila binuhusan ng malamig na tubig. Ni hindi ko maigawang ikurap ang mga mata ko nang dahil sa narinig habang nakanganga.

Daughter

Naguguluhan na napabaling ako kay Mikan. “You’re his what? But how...” halos pabulong kong tanong sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay hinang-hina ako ngayon.

“Nanghihina ka na ba? Wag kang mag-alala dahil mamaya ay tuluyan ka ng mamamahinga! Kasama ang magiting mong prinsipe at tuluyan ng hindi matutuloy ang nakatakda n’yong kasal!” Umalingawngaw sa bawat sulok ng silid na kinaroroonan ko ngayon ang nakakairita niyang halakhak.

Damn you, Marcus Croven!

Hindi talaga siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang kapangyarihan namin ni Kyle. Hangga’t hindi niya nahahadlangan ang pag-iisang dibdib naming dalawa.

Ngayon ko lang napagtanto na nakapalibot na naman pala sa mga kamay ko ang bakal na nagkokontrol ng kapangyarihan ko. Damn this thing! Saan ba nila nakuha ang ganitong klase ng kagamitan? Siguro ay ito rin ang dahilan kung bakit ako nakakaramdam ng panghihina.

“Ikaw ng bahala riyan, anak. Kailangan ko ng ihanda ang lahat. Ngayon na ang araw na itinakda.” Muli siyang tumawa nang nakakaloko bago tuluyang lumabas.

Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓Where stories live. Discover now