Chapter 9: Finding The Truth

10.7K 398 14
                                    

Chapter 9: Finding The Truth

Miley’s POV

Mataman akong nagmamasid sa paligid habang pilit na pinananatili ko ring alerto ang aking pakiramdam. Puwede naman kaming pumunta rito sa palasyo kahit kailan namin gusto. Sadyang hindi lang dapat nila kami makita ngayon at malaman ang ginagawa namin. Baka mas lalo kasi kaming mawalan ng pagkakataon para malaman ang katotohanan.

Pero nasisira ang konsentrasyon ko nang dahil sa dalawang magugulong bampira na nasa tabi ko.

“Wag nga kayong maingay riyan! Baka marinig at makita pa tayo nila Dad, eh,” mahina kong saway kina Reiri at Kuya Hiro.

Kanina pa kasi sila nagbabangayang dalawa. I don’t know what’s the problem this time. But they’re just so irritating.

Palagi na lang silang ganyan. Hindi magkasundo. Dapat pinaghiwalay na lang talaga silang dalawa, eh.

“Puwede naman tayong mag-teleport, eh,” natatawang aniya ni Kuya Hiro.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Akala ba niya ay uubra ang ganoon kay Dad? Lalo pa at short distances lang ang kaya ng teleportation ability niya.

“I forgot. Sa pagitan nating tatlo, ikaw nga lang pala ang may kakayahang makapunta sa malalayong lugar," wika niya sa ‘kin bago nginisihan si Reiri”

Inirapan lang siya nito.

Napailing na lang ako. Mukhang magsisimula na naman silang dalawa.

“Even so, as if we can escape Dad just by doing that,” I reminded him.

Napakamot naman siya sa batok nang dahil sa sinabi ko.

“Yeah, right. Good luck to you, then,” Reiri teased him.

Napasimangot naman si Kuya Hiro at hindi na umimik pa. Mabuti na lang at para hindi na humaba pa ang argumento nilang dalawa.

“Pero ang galing mo talaga kanina, Miley! Sana may ganoon din akong klase ng kakayahan katulad ng sa ‘yo. Purebloods are really something,” pag-iiba niya ng usapan at napanguso pa.

Malalim akong napabuntonghininga. Para talagang bata si Kuya Hiro kung minsan. I really wonder how he became the best friend of Kuya Vince, among the other aristocrat vampires out there. Magkaibang-magkaiba kasi sila ng ugali.

Sabagay, kahit pala sina Kuya Kyle at Kira ay magkaiba rin.

I smiled at him. “Ganoon talaga. We did all have a different kind of special abilities. Hindi rin naman biro ang kaya mong gawin, eh,” I cheered him up.

Well, Kuya Hiro’s special ability is his super strength and speed. Although we all have that kind of ability, he was extremely powerful compared to us.

Kahit nga ang simpleng pagpitik o pagtabig niya sa ‘yo ay maaari ka ng masaktan agad. Ang mas masaklap pa ay bigla ka na lang hahagis minsan. Pero nagagawa naman niyang kontrolin ang kakayahan niya para maiwasan niya ang makasakit ng hindi sinasadya. Lalo na kung nasa pampublikong lugar siya.

Actually, all of us can already control our special abilities right now. Sabay-sabay rin kasi kaming sumailalim sa training. Puwera na lang kung may iba pa kaming mga kakayahan na nakatago pa.

“I can’t relate to your topic” malungkot na aniya ni Reiri.

I tapped her shoulder and gave her a reassuring smile. “Don’t worry. Lalabas din ang espesyal na kakayahan mo.”

Napatango na lang siya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin niya natutuklasan ang special ability niya. Maging kami ay nag-aabang sa paglabas nito. Pero alam kong pressure sa kanya ang tungkol sa bagay na 'yon lalo pa at isa rin siyang Pureblood.

Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon