Kabanata XXXVII

237K 8.3K 1.9K
                                    

"KADEN?"


Binitawan siya ng lalaki. Nakatitig sa kanya ang mga mata nito na lalong pinatingkad ng liwanag ng buwan.


Napakurap siya at nakitang nasa tuktok sila ng bubong ng mansiyon. Agad siyang napakapit sa matitipuno nitong braso.


"I don't wanna hurt you," mahinang sabi nito.


Maang niya itong tiningnan.


"I'm sorry."


"Sorry saan?"


Parang may kung anong kumirot sa puso niya, pero hindi niya na lang iyon pinansin. Ang importante ay hindi siya nito nakuhang tiisin.


"Kung iyong tungkol sa graduation ko, okay lang." Ngumiti siya at inabot ang pisngi nito. "Baka busy ka lang talaga, naiintindihan ko naman."


Hindi ito nagsalita. Niyakap nito ang bewang niya at isinubsob ang kanyang mukha sa matigas nitong dibdib. Napakapit siya sa bewang ni Kaden ng mahulaan niya ang gagawin nito.


"Hold on tight," anas nito sa tainga niya.


Para siyang nahulog mula sa kung saan. Hindi pa rin siya dumidilat hanggang maramdaman niyang binuhat na siya ni Kaden. Tumama sa mukha niya ang pinagsamang lamig ng gabi at init ng mabango nitong hininga.


Sa pagmulat niya at saktong paglapat ng katawan niya sa malambot na higaan. Nasa kuwarto na silang dalawa.


Napahawak siya sa kanyang mukha, nalaman niyang umiiyak pala siya.


"Anong mangyayari sa atin, Kaden?"


"I couldn't promise you anything."


Napahikbi siya. "'Di 'wag kang mangako..."


Umiling ito at malungkot siyang tiningnan.


Bumangon siya at malamyang hinampas ito sa balikat. Mahina siyang umiiyak habang patuloy siya sa paghampas at pagsuntok sa dibdib nito.


Hindi ito kumikibo. Nakatitig lang ito sa kanya.


"Sinungaling ka... paasa ka..."


Nasasaktan siya. Kahit walang sabihin si Kaden alam niya na kung para saan ang lahat ng iniluluha niya.


"Magpahinga ka na, Perisha." Hinuli nito ang kamay niya at marahan siyang ihiniga. Nang hagkan nito ang noo niya ay kusa siyang inantok.


Ginamitan siya nito ng kapangyarihan. Pero bakit? Dahil hindi nito kayang harapin ang mga sumbat niya?


Nasaan na ang mga pangako nito noon? Bakit ngayon ay ayaw ng mangako sa kanya ni Kaden? Bakit iniwan siya nito sa ere?

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon