Kabanata XXVIII

272K 9.1K 2.2K
                                    

WALA siyang imik hanggang sa makauwi sila sa Vox Mansion. Ginabi na sila sa byahe. Kahit si Kaden ay hindi rin nagsasalita. Mukhang okay lang dito na tahimik siya. Obvious na nagtatampo siya pero mukhang walang balak gawin si Kaden na tanungin o suyuin siya.


Sa kuwarto dumeretso si Perisha.


Gusto siya nitong chuk-chakin, pero ayaw siyang buntisin? Anong trip iyon?


Nang pumasok ito sa kuwarto ay saglit lang siya nitong tiningnan, pagkatapos ay nagtuloy na ito sa banyo para mag-shower. Lalong sumama ang loob ni Perisha. Mukhang ayaw talaga nitong pag-usapan ang tungkol sa pagkakaroon nila ng anak.


Ang lagay ay puro chuk-chak lang? No way.


Mahal niya ito pero hindi siya suksukan lang. Masama ang loob na humalukipkip siya. Hindi siya okay. Hindi. Mabuti na lang at hindi niya pa naisusuko ang Bataan.


Napatingin si Perisha sa terrace ng makarinig ng tila nagtatawanan sa ibaba. Napatayo siya at napapunta ron. Madilim na ang ibaba pero may liwanag ang buwan. Nang ibaba niya ang paningin sa madilim na hardin ay nakita niyang may dalawang bulto na tila naglalambingan sa dilim.


Sino iyon? Sina Lourd ba at si Lucia?


Napakurap siya. Pero parang hindi...


Parang si... si Helios ang lalaki?


Napanganga siya. Sino ang babaeng kasama nito? Kelan pa nagdala ng babae sa mansion ang Vox' fafa?


Sa muli niyang pagkurap ay wala na ang mga ito. Sa isang iglap ay nawala ang pareha sa hardin. Parang biglang kinain ng kadiliman. Naglaho ang mga ito na tila bula.


Nai-stress na bumalik siya sa kama. Sakto na paglabas ni Kaden sa banyo. Nakasuot na ito ng pajama na kulay puti at light blue na T-shirt. Amoy Safeguard na sabon ito. Gustuhin man niyang yakapin ang lalaki ay naiinis siya rito kaya hindi niya ito pinansin.


Dumapa si Kaden sa ibabaw ng kama. Hindi niya pa rin ito pinansin. Nahiga siya sa kabilang gilid at nagtalukbong ng kumot. Hindi na rin naman siya nito inistorbo pa na lalo niyang ipinag-sintir.


...


MAAGA pa lang ay nasa hardin na siya. Hindi niya hinayaang si Kaden ang maunang magising sa kanilang dalawa. Dahil kapag nauuna itong magising ay niyayakap siya nito, hinahalikan at nilalambing. Iyon ang iniiwasan niyang mangyari.


Ayaw niyang matunaw sa kilig ang inis niya para sa lalaki. Galit siya rito.


Pinagmasdan niya ang malawak na hardin. Malungkot siyang napabuntong-hininga. Hindi ba nasasabik si Kaden sa isiping magkakaroon ng mga mumunting anghel sa paligid? Hindi ba ito nae-excite sa idea na magiging maingay at mas masaya ang mansiyon kapag nagkaanak sila?


O baka hindi iyon ang plano nito. Wala iyon sa plano nito. Pero ano nga ba ang plano nito? Ano ang plano nito sa relasyon nila? Sa kanya? Sa hinaharap?

Fall For YouWhere stories live. Discover now