Kabanata XXXII

260K 9.3K 803
                                    

TULALA lang si Perisha matapos ang nangyari.


Matapos siyang buhatin ni Kaden at ilapag siya sa ibabaw ng kama ay umalis na ito. Wala ni isang salita na iniwan siya ng lalaki matapos siya nitong patahanin.


Nakaupo siya sa gilid ng kama, nakatingin sa kanya si Lucia na para bang pinagtatawanan ang kagagahang ginawa niya. Silang dalawa lang sa kuwarto. At hindi niya alam kung bakit sinundan siya ni Lucia.


"You almost killed yourself." Hindi nakatiis na sabi nito mayamaya.


Tiningnan niya lang ito nang masama.


"Look," lumapit ang babae sa kanya. "Hindi naman kasi sa akin dapat manggaling, kundi kay Kaden. Siya ang boyfriend mo at hindi ako."


Hindi siya umimik. Kahit papaano ay may point naman kasi si Lucia.


Gusto niya sana itong tanungin pero baka hindi na naman ito sumagot nang seryoso, kaya 'wag na lang. Makakahintay pa siya sa taong dapat magsabi sa kanya ng lahat. Iyon ay kung kakausapin pa siya ng taong iyon. O tao pa nga ba si Kaden?


Nakagat ni Perisha ang ibaba niyang labi. Nasaan ba ang lalaking iyon? Bakit hindi na ito nagpakita sa kanya?


"Aalis na ako," paalam ni Lucia.


"Nasaan si Lourd?" Habol niya rito. "Hindi pa rin ba siya umuuwi?"


Natigilan ito pero hindi siya nilingon. "I don't know..."


"B-bakit kayo nag-away?"


"None of your business, mortal." Iyon lang at lumabas na ito ng kuwarto.


Lumipas ang mahabang sandali na walang Kaden na nagpapakita sa kanya. Ni silipin siya sa kuwarto ay hindi nito magawa. Hating-gabi na ng marinig ni Perisha na bumubukas ang pinto. Sa sulok ng mga mata niya ay nakita niya ang pagpasok ng isang matangkad na lalaki.


Madilim ang paligid. Isang lampshade lang ang binuksan niya, iyong nasa gawi lang ng higaan ni Kaden.


Huminto ang lalaki sa paanan ng kama. Tila nag-iisip ito kung tatabihan siya o iiwan na lang ulit.


Hindi na siya nakatiis, alam naman niyang hindi niya maloloko si Kaden. Hindi rito tatalab ang pagtutulug-tulugan niya. Bumangon siya at binuksan ang lampshade sa kanyang gilid. Doon ay nakita niya si Kaden na matamang nakatingin sa kanya.


Sa dulo ng kama ay nakatayo si Kaden. Polong kulay asul na bahagyang gusot na at hindi naka-tuck-in, nakatupi sa magkabilang siko ang laylayan, at ripped denim jeans sa mahahaba nitong binti ang suot nito. Iyon din ang suot nito noong nakaraang araw. Nakayapak lang ito, magulo ang buhok at wala na ang suot na relong pambisig.


Napalunok si Perisha, bigla ay nag-init na naman ang mga mata niya. Mula sa kinaroroonan niya ay naamoy niya ang gamit nitong men's cologne, nahahaluan iyon ng amoy ng isang mamahaling alak. 

Fall For YouWhere stories live. Discover now