Kabanata XVIII

275K 9.3K 2K
                                    

"WHO's that?" Nakakunot ang noo na tanong ni Kaden kay Perisha.


Ibinalik niya sa bulsa ang cell phone niya. Kanina pa text nang text si Judas, ang kulit ng lalaking iyon.


Gusto kasi nitong malaman kung saan siya nakatira. Gusto ring makita ni Judas ang mga taong kumupkop sa kanya. Lalo na si Kaden.


"Friend ko," sagot niya.


"Lalaki?" Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Kaden.


Nakakandong siya rito. Katatapos lang nilang maghalikan.


Iyon ang past time nila ni Kaden sa study room, palagi siya nitong ikinakalong saka hinahalikan hanggang sa kapusin siya ng paghinga.


Kahit bago sila matulog ay ganoon din ang sistema nilang dalawa. Parang palagi silang nasa kissing marathon. Gustong-gusto nitong halikan siya, at syempre gusto niya ring magpahalik dito.


Pero maliban sa yakap, halik at tamang haplos sa buhok at likuran niya ay wala ng iba pang kababalaghang nagaganap sa kanila. Kahit pa nasa iisang kuwarto at kama na sila natutulog.


Nagulat na lang si Perisha ng umuwi siya, wala na nga siyang gamit sa kuwarto niya. Lahat ay nasa kuwarto na ni Kaden. Gusto raw nito na doon siya sa tabi nito habang nasa mansiyon pa si Lucia. Hindi na siya nagtanong pa, pabor din naman kasi iyon sa kanya.


"Lalaki ba iyong kaibigan mo?" Malumanay ang boses na tanong ni Kaden. Nawala na ang kunot sa noo.


"Oo."


Tumango-tango ito, matamang pinagmamasdan ang mukha niya.


"A-anong iniisip mo?" Bigla siyang nailang.


"Nothing."


"Weh, e ayan at grabe ka makatingin."


Hindi na ito sumagot. Kinabahan siya.


"Nagseselos ka?"


Hindi pa rin nagsalita si Kaden.


Ang kaba ni Perisha ay unti-unting nauwi sa kilig. Parang bigla ay ang ganda-ganda ng pakiramdam niya. "Nagseselos ka..."


"No."


"Nagseselos ka, e!" napangiti siya nang maluwag. Ipinulupot niya ang mga braso sa leeg ni Kaden. "Hindi ka dapat magselos kahit kanino, nasa iyo ang puso ko..."


Doon gumuhit ang maliit na ngiti sa mga labi nito. "Okay."


"Kiss mo na ako ulit."


At hindi naman siya binigo ni Kaden. Hapon na ng lumabas sila sa study room, uhaw na uhaw ang pakiramdam ni Perisha.

Fall For YouWhere stories live. Discover now