Kabanata XIX

277K 8.9K 720
                                    

"WOULD you tremble if I touched your lips? Would you laugh? Oh, please tell me this. Now would you die for the one you love? Hold me in your arms, tonight."


Napangiti si Perisha habang nakayakap kay Kaden.


"I can be your hero, baby. I can kiss away the pain. I will stand by you forever. You can take my breath away..."


Nasa terrace sila ng kuwarto nito. Magkayakap habang nakatingin sa buwan.


"Would you swear that you'll always be mine?"


Ginagawa na ni Kaden ang promise nito. Ang kantahan siya. Saka na iyong sayaw. Humingi ito ng palugit. Mag-aaral daw muna ito.


Kilig na kilig naman siya.


In all fairness, maganda ang boses nito. Malamig.


Ang swerte niya talaga dito. Lahat na yata ay nakay Kaden. Wala na siyang mahihiling pa.


"It's getting late. I promise I will sing again for you tomorrow."


Tumango siya na walang kasing-tamis ang ngiti.


Magkahawak-kamay silang pumasok sa kuwarto. Nang nasa tapat na sila ng kama at tiningala niya si Kaden. Nakatingin ito sa kanya.


Kitang-kita niya ang pag-alon ng Adam's apple nito.


Pati ang paglunok.


Tumingkayad siya at inabot ang mga labi nito.


Ang sabi ng friend niyang si Hariet, ang mga lalaki ay kailangan ng ganito.


Nakakatabi siya ni Kaden sa kama, nahahalikan at nayayakap siya pero hanggang doon lang sila. Alam niya, ramdam niya ang pangangailangan nito, pero pinipigilan nito ang sarili dahil inaalala siya.


But she wanted to do it with him, too.


Hindi na siya bata. Dalaga na siya. Ga-graduate na. Ready na siya.


Kanina ay tumatawag na naman si Judas. Hindi pa nakontento ay tinadtad pa siya ng text. Nakita ni Kaden iyon, at base sa ekspresyon nito ay hindi nagustuhan ng boyfriend niya ang pangungulit ni Judas.


She will give him the assurance. Padalos-dalos man pero nakapagpasya na siya na ibigay ang sarili kay Kaden. Nagtitiwala siya rito. Sigurado na siya na ito lang ang gusto niyang makasama habangbuhay. Ni isipin na may iba pa siyang lalaki na pwedeng mahalin ay hindi niya kayang gawin.


Si Kaden lang ang deserving na paghandugan niya ng kanyang sarili. Kailanman ay wala itong ginawa na ikasasakit niya. Ibinigay, at ginawa nito ang lahat para sa kanya. 


Wala siyang pagsisisihan. Mahal na mahal niya si Kaden.


Fall For YouWhere stories live. Discover now