Kabanata XL

242K 8.6K 2K
                                    

WE CAN HAVE A BABY.


Kaya nilang magkaanak. Kaya nila.


Malawak ang ngiti ni Perisha habang hinihintay na maluto ang binabantayan niyang sinaing. Tapos na ang ulam na niluluto ni Lucia at anytime ay kakain na sila ng lunch.


"Luto na 'to. Tawagin mo na sila," utos ni Lucia.


"Okay."


Nasa study room ang mag-aama. May meeting. Lately ay napapadalas ang meeting ng mga ito. Baka may problema sa negosyo.


"May malugi man sa negosyo nila, barya na lang iyon sa kanila." Nangingiting lumabas ng kusina si Perisha.


Katanghaliang tapat na pala, baka nagsisiligo na ang mag-aama. Ganitong oras ay nagba-babad sa tub si Kaden dahil init na init ito.


Paakyat na siya sa hagdan ng mapatingin siya sa malaking bintana ng mansiyon. Sa kinatatayuan niya ay nakita niyang may tao sa labas ng gate.


Ikinurap-kurap niya ang kanyang mata.


May tao nga!


Kahit napakalayo ng kinaroroonan ng gate sa mansiyon ay naramdaman niya na may tao ron. Para bang hinihila siya nong tao na iyon para puntahan ito. Nagpadala siya sa urge na puntahan ito sa gate.


Kataka-taka na may nakarating na tao rito sa loob ng villa. Sino kaya ito?


"D-Don?" Nagulat siya ng makilala ang lalaki na nakatanghod sa labas ng bakal na gate.


"Hi!"


"Anong ginagawa mo rito?" Natatandaan niya ito. Ito iyong lalaking may lambo na nasiraan sa bukana ng lupain ng mga Vox.


"Makipagtulungan ka sa akin, I am looking for my sister."


"Ha?"


Malungkot ang guwapong mukha ng lalaki. Mukha rin itong wasted at problemado. "I lied, Perisha."


Napaatras siya. Sino ba ito? At ano ang sinasabi nito?


"Hindi ka na magugulat kung sasabihin ko sa'yo na isa akong bampira." Tumiim ang bagang nito. "Alam mo na ang sekreto nila, di ba?"


Namilog ang mga mata niya. 


Bampira ito? Bampira din?


"I'm sorry kung niloko kita..." Humigpit ang kapit nito sa bakal na gate. Pawisan na ito at namumula na ang makinis na balat dahil sa init ng araw. "But I'm desperate!"

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon