Kabanata XXXV

216K 7.7K 450
                                    

KUMALAM na ang tiyan ni Perisha sa gutom. Hindi pa kasi siya nagme-meryenda dahil akala niya'y kakain sila sa labas ni Kaden pagkatapos siya nitong sunduin.


"Gagabihin na ako pauwi ng Dalisay nito." Doon na lang niya napagpasyahang kumain. Sigurado namang may nilutong dinner si Lucia.


Itinext niya na ang private chauffeur ng Vox sa Manila. Ito rin ang nagda-drive sa kanya pabalik ng villa sa Dalisay tuwing hindi available ang sino man sa triplets.


Saglit lang ay dumating na ang isang itim na brandnew BMW sa harapan niya. Agad siyang sumakay ron.


Sa byahe ay nag-try pa rin siyang contact-in si Kaden, pero busy na ang line nito. Inisip na lang ni Perisha na baka busy ang lalaki. Baka may emergency sa mga business na hawak nito.


Tatlong oras lang ay papasok na sa bayan ng Dalisay ang kinalulunan niyang kotse. Pumasok na sa arko na may nakasulat na 'Welcome to Dalisay'. 


"Di bale, malapit naman na ako."


Umalis na rin ang driver matapos siyang ihatid sa tapat ng malaking gate ng villa. Hindi pumapasok ang kahit sinong tauhan ng mga Vox sa gate.


Sa sala ng mansiyon ay naroon si Cross. Bihis na bihis ito, humahalimuyak ang pinaghalong bango ng gamit na aftershave at mamahaling men's cologne. Amoy mint candy at wine din ang lalaki. Mukhang may lakad ito.


"Hi!" bati niya sa lalaki.


Tiningnan lang siya ni Cross. Aburido ang itsura nito.


"Punta ka sa graduation ko, ha? Kahit walang gift, alam ko namang labag sa loob mo na regaluhan ako," biro niya rito.


Pero hindi siya nito pinansin. Busy ito sa iPhone nito. Mukhang may tinatawagan ito na hindi naman ito sinasagot.


"Bullshit!"


"Uy, problema mo?"


"Please, Perisha, wala ako sa mood." Pagsusungit nito.


"Okay." Nagkibit na lang siya ng balikat. "Si Kaden pala?" Naglakad na siya patungo sa hagdan.


Iritable siya nitong nilingon. "Nasa study room. Aalis iyon mayamaya."


"Ha? Saan pupunta?" tanong niya, napahinto siya sa pag-akyat sa grand staircase ng mansiyon.


Nagkamot ito ng kilay at ibinulsa ang cell phone. "Europe. Di mo alam?"


Nagulat naman siya. Hindi niya alam na aalis patungong Europe si Kaden. Wala itong nababanggit sa kanya.


"Kawawa ka naman." Iglap lang ay nasa harapan niya na ito.


Mula ng malaman niya ang sekreto ng mga Vox ay naging ladlad na si Cross sa pagpapakita ng kakayahan nito.

Fall For YouWhere stories live. Discover now