Kabanata XI

299K 9.5K 1.1K
                                    

"ANG ganda niya..."


Lucia. 


Ang pronounciation ay Lu-Si-Ya. Pangalan palang pang diyosa na.


Pasilip-silip si Perisha sa babaeng nakahiga sa malaking kama. Nasa labas siya ng malaking glass window ng kwartong kinaroroonan ni Lucia. Hanggang ngayon ay tulog na tulog pa rin ito. Nakapagtataka dahil twenty-four hours na itong tulog. 


May damit na ito ngayon. Suot nito ang kanyang pantulog. Nakasaboy sa unan ang alon-alon nitong buhok, at ang mukha nito, parang mukha ng manika. Napaka-perpekto. Napaka-firm din ng balat, parang walang ka-pores-pores. Tingin niya ay nasa mid-twenties ang edad nito.


"Parang hindi tao..." sa loob-loob niya. Parang anghel, parang diyosa. Kakaiba ito. Parang sila Kaden din, masyadong mahiwaga ang babae.


Sino nga kaya ito? Matagal na ba nila itong kakilala? Kamaganak kaya ito ng mga Vox? Pero bakit ngayon niya lang ito nakita?


Saka bakit parang hindi masaya sina Cross at Kaden na narito sa mansiyon ang babaeng ito?


Umungol ito na tanda na nagigising na ang babae. Nasabik siya na makita ang kulay ng mga mata nito. Baka kulay green din!


Gumalaw ang mahahabang pilik-mata ni Lucia, kumibot ang kulay dugong mga labi. At ang maputlang pisngi ay unti-unting nagkaroon ng kulay. Napasinghap siya sa kagandahan nito. Nang magmulat ito ng mga mata ay sa kanya agad ito tumingin.


Kulay itim ang mga mata ni Lucia. Itim na itim. Kasing kulay ng mala gabing buhok nito.


"Hello..." Nginitian niya ito. "Ako si Perisha."


Tumalim ang mga mata ng babae at iglap lang ay nasa harapan na niya ito. Nagulat siya sa bilis nitong makatayo at makalapit sa kanya.


"N-naku, kaya mo na ba? Baka mapaano ka—" hindi niya na natuloy ang sasabihin ng bigla siya nitong sakalin. "Agh!" Napahawak siya sa makinis nitong mga braso.


Nanlaki ang mga mata niya, kinapos siya ng paghinga. Nakikita niya ang kakaibang apoy sa mga mata ni Lucia. Hindi niya maintindihan, bakit gusto siya nitong saktan?!


"You bitch!" singasing nito. "You're right on time!" Bigla siya nitong itinulak.


Sadsad sa sahig si Perisha, halos maduling siya sa lakas ng pagbagsak niya. Hindi pa siya nakakahinga nang maayos ng bigla siyang talunin ni Lucia, dumapa ito sa ibabaw niya at muli siyang sinakal. Hindi niya alam kung imahinasyon niya lang dala ng pagkahilo ang nakitang tila may pangil ang babae.


"Enough, Lucia!"


Binitiwan siya ni Lucia at tumingin sa nagsalita. It was Lourd. Humahangos ang lalaki papasok.


Pero saglit lang itong sumunod kay Lourd, binalingan siya ulit at akmang kakalmutin ang mukha niya. Bago tumama sa kanya ang kuko nito ay bigla na itong nawala sa ibabaw niya. Nagulat siya kung saan napunta ang babae, para itong pusa na tumalsik sa pader ng kuwarto.

Fall For YouWhere stories live. Discover now