Kabanata XXIV

265K 8.9K 569
                                    

"BABABA lang ako," paalam niya.


Alas diez na ng umaga pero mukhang walang balak si Kaden na umalis ng kuwarto. Nakatayo ito sa tabi ng bintana habang nagkakape.


Pagkagising ni Perisha ay may almusal na siya sa kama. May tray na ng pagkain sa tabi niya.


Nagtataka siya kung bakit nandoon ang almusal niya, at mas nakapagtatakang parang walang balak na bumaba ni Kaden. Parang mas gusto nitong manatili sa kuwarto nila—bagay na hindi nito usual na ginagawa.


At pinaka mas nakakapagtaka kung bakit hindi yata tumunog ang alarm clock niya kaya naman tuloy tinanghali siya ng gising.


"Why?" Tiningnan siya nito. "Kulang ba ang pagkain?"


Nakasimangot siyang umiling.


Alam niya na!


Alam niya na kung bakit ganito ito ngayon!


Sambakol ang mukha na tumayo siya. Dumeretso siya sa banyo. Naghilamos siya at nag-toothbrush. Paglabas niya ng pinto ay naumpog siya sa matigas na dibdib ni Kaden.


"Ano ba?! Bakit ka ba nakaharang?!"


Hinawakan siya nito sa balikat. "Sorry..."


Lumambot naman agad siya sa sorry nito. Pero hindi siya nagpahalata, inirapan niya ito.


"Kaya ka ganyan kasi nasa baba si Judas." Humalukipkip siya.


Hindi pa nakakaalis si Judas, itinext siya nito. Baba raw muna siya at gusto siyang makausap. Magpapaalam daw sa kanya.


"Okay, you may go downstairs."


"As if hawak mo ang kalayaan ko!" Inirapan niya ulit ito.


Umigting ang panga ni Kaden. Parang hindi nagustuhan ang sinabi niya.


Bumawi si Perisha. "I love you, pwede na ba akong bumaba?"


Tumango ito. Hinaplos ang pisngi niya.


"Saglit lang ako, babalik ako agad. Saka uuwi na iyong tao, nakakahiya po na hindi ko man lang siya babain don. Mabait naman iyon. Friend ko iyon."


Nagulat siya nang bigla siyang higitin ni Kaden, kinabig nito ang batok niya at saka siya hinalikan nang mariin sa labi.


Malunod-lunod siya sa intensidad ng halik nito. At kung kelan limot niya na ang paligid including Judas ay saka nito itinigil ang halik.


"K-Kaden?" Habol niya pa ang mga labi nito, pero tuluyan na nitong tinapos ang halik.


Fall For YouWhere stories live. Discover now