Kabanata XXV

283K 9.5K 1.5K
                                    

"DITO NA LANG AKO."


"Are you sure?"


Tumango siya. Para kasing may enerhiya na nagsasabing manatili siya sa labas ng 7-Eleven.


Ang weird na naman ng pakiramdam ni Perisha.


Hinaplos ni Kaden ang pisngi niya. Mga tatlong beses.


Ang cute ng gesture kaso ang weird. Ano bang meron sa mukha niya at sa buong maghapon ay lumalampas yata ng dalawampung beses na ginagawa iyon ni Kaden. Haplos sa pisngi, haplos sa buhok. Minsan himas sa braso, sa leeg. May pisil sa kamay pa.


Nakakakilig ang biglang sweet nito. Kaso parang 'di bagay.


Masyado kasi itong seryoso. Masyadong istrikto ang datingan. 'Tapos kung alalahanin siya ay para itong babysitter at siya naman ay baby nito. Parang hindi bagay. Pero masarap.


Masarap maging baby ni Kaden Gablin Vox!


Masarap iyong tititigan ka nang seryoso, walang kangiti-ngiti sa labi 'tapos biglang hahaplusin ang pisngi mo at sasabihing ang ganda mo. Pati espiritu ni Perisha kinikilig! Kakainis.


"Sige na, ibili mo na ng gamot ni Lucia."


Nilalagnat kasi ang babae, walang bantay rito maliban kay Lourd dahil wala si Cross, nagagala ang tinamaan ng magaling.


Akalain mo iyon, tinatablan pala ng sakit si Lucia? Dalawang araw at isang gabi ba naman kasi itong naglunoy sa bathtub. Parang gustong lunurin ang sarili. Nakapagtataka nga at hindi pa ito tuluyang nalunod! Ang lakas ng resistensiya!


Mabuti na lang at nawasak ni Lourd ang pinto ng banyo kaninang hapon, ng iahon nito ang babae sa tubig ay halos kulay papel na ito. Tuyot na ang balat. Pati labi ni Lucia ay natuyot na!


Nagpumilit siya na dalhin ito sa ospital pero ayaw ni Lucia. Ayaw rin ng triplets. Basta ibili na lang daw ito ng gamot. Tapos!


Ano kayang problema ni Lucia? Naa-aning na naman. Kaya nga hindi siya lumapit dito kanina, may sumpong kasi. Lahat sila inaaway. Maski nga si Lourd na bukod-tanging nagta-tiyaga rito ay natadyakan pa sa mukha ng babae kanina.


Hinalikan siya ni Kaden sa pisngi at saka hinaplos na naman ang kanyang pisngi. Akala mo sasakay ng eroplano at mag-o-OFW ng ilang taon kung makapagpaalam sa kanya, e bibili lang naman ng gamot saglit sa convenience store. Nakakainis talaga.


Nakakainis sa kilig.


Pumasok na si Kaden sa loob ng 7-Eleven. Iyon lang ang pinakamalapit na 24 hours na bukas malapit sa villa.


Pinagbawalan siya ng lalaki na bumaba ng sasakyan. Pero sumuway siya. Feeling niya kasi mas okay kung sa labas siya ng kotse maghihintay. Dahil feeling niya hinihila siya ng kakaibang force na lumabas ng kotse. Kung ano man ang 'force' at 'energy' na iyon ay hindi niya alam. Basta weird. Nahawa na yata siya sa ka-praningan ni Lucia.

Fall For YouWhere stories live. Discover now