Kabanata XV

285K 10.3K 1.6K
                                    

"WHAT do you want for a graduation gift?"


Sakay ng brandnew Bugatti ni Kaden ay bumyahe na sila pabalik ng Manila. Seryoso ito habang nagmamaneho.


"Kahit ano." Hindi mapatid ang titig niya sa naka-side-view nitong mukha.


Ang tangos ng ilong, ang perpekto ng mga labi...


Ang guwapo naman talaga ng lalaking mahal niya. Sharp-angled jaw, thick dark lashes and deep set of green eyes.


"Come on, tell me. Magrequest ka," kalmadong anito habang ang atensyon ay nasa kalsada. "What do you want for a gift?"


"Hmn, pwede bang ikaw?" She teased him. Hindi niya rin alam kung saan siya nakahugot ng lakas ng loob na biruin ito.


"Okay,"


Ngumuso siya. Ang dali talagang kausap!


"Gusto ko sayawan mo ako..." habang naka-brief ka lang, dugtong niya sa isip.


"I don't dance, Perisha."


"E, 'di hindi." Lumabi siya.


"But I will try..."


Napalingon siya rito. Seryoso pa rin ito habang nagmamaneho.


"I can try... for you."


Nag-init ang pisngi niya. "Joke lang naman..."


Sa totoo lang ay nakakailang kasama si Kaden. Masyadong malakas ang dating nito, nakaka-intimidate. Pero ngayong unti-unti na itong nag-oopen sa kanya ay nagiging magaan ang biru-biruin ito. 


Inihinto nito sa tabi ang sasakyan. Napasinghap siya ng lumapit ito sa kanya.


"About your feelings for me."


Kinabog ng kaba ang dibdib niya. "A-ano ang tungkol don?"


"You want me to love you back, right?"


Naguguluhan siyang tumango. Iniiwasan niya pa naman na mapag-usapan ang bagay na iyon.


Umilap ang mga mata ni Kaden. "Can you... g-give me more time?"


"Ha?"


"My heart... I will give it to you. Sana bigyan mo pa ako ng panahon..."


Napalunok siya kasabay ng paguhit ng kung anong sakit sa kanyang dibdib. Bumaha sa kanya ang reyalisasyon. Nagising siya sa sandaling pagpapantasya.

Fall For YouNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ