KabanataXXXVIII

244K 8.1K 876
                                    

"BAKIT kah bah nanghahalik?"


Nakasampay si Perisha sa likod niya. Buhat-buhat niya ito paakyat sa floor na kinaroroonan ng unit niya.


"Baket ngahhh?!"


Hindi niya ito kinikibo kahit kanina pa ito salita nang salita. She was drunk at kung ano-ano ang pinagsasabi. Pinipigilan niya ang sarili na patulan ito, paluin sa puwit dahil sa ginawa nitong paglalasing. 


Damn it. Halos mapatay niya ang Judas na iyon kanina sa club.


Pinaghahampas nito ang likuran niya. Kulang na kulang sa lakas. "Hinahalikan mo ako, e hindi mo naman ako mahal!"


Nang makalabas ng elevator ay ipinasok niya agad ito sa unit niya. Ngayon na lang siya ulit tumungtong sa condo niya, ngayon na lang dahil hindi niya iuuwi sa mansiyon ang lasing na lasing na si Perisha.


He put her down on the bed.


"Hmn... lambot..." Agad na gumulong ang babae. Namimigat ang mga mata na bumungisngis pa ito. God, she was so pretty.


Naiiling na binuksan niya ang aircon dahil sa biglang pag-iinit ng paligid. Kumuha siya ng plangganang may tubig at bimpo saka ito binalikan. Hinila niya ito sa braso.


Dumilat ang namimigat na mata ni Perisha. "Hoy... Bakit mo nga ako kish diyan, er..."


Her sultry look went straight into his heart. Oh, how he missed her. May mga pagkakataon na gusto niya itong lusubin ng halik, ikulong sa mga braso niya, pero nagpipigil siya. Ngunit ngayong magkalapit sila at nagso-solo sa isang lugar ay torture ito sa kanya. He could smell her intoxicating sweetness and it was making him ache for her.


He massaged his head and composed himself. Ilang beses siyang bumuga ng hangin bago niya pinunasan ang noo at leeg ng babae.


Nagulat ito at walang lakas siyang itinulak.


Pinunasan niya ang pisngi, leeg at mga braso ni Perisha. Itinihaya niya ito at inisa-isang inalis ang pagkaka-butones ng blouse hanggang sa humantad sa kanya ang suot nitong lacey bra. Napalunok siya Kaden.


"A-anong ginagawa mo?"


Hindi niya ito pinansin. Tuloy siya sa pag-aalis ng butones ng blouse nito. Kalahati ng katawan ni Perisha ay nakikita niya na. Ang puno ng dibdib nito, ang flat na tiyan at makinis na balat. Goddamn it.


"Judash..." Perisha moaned.


Nahinto siya sa pagpupunas dito. Kumirot bigla ang sentido niya.


"Si Judash..."


"He's not here." He hissed.


"Nashan si Judash?" Tinabig nito ang kamay niya na may hawak na bimbo. "Nashaan? Babalikan ko shi Judash!"

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon