Kabanata XXXIII

268K 8.6K 661
                                    

"HE's still calling you."


Dumiin ang pagkakahawak ni Kaden sa bewang niya. Dumaing siya at pinalis ang kamay nito. 


"Sandali lang, love..."


Narinig niya ang ungol nito bilang pagpo-protesta.


"Isa-silent ko lang." Pinisil niya ang matangos nitong ilong. "Saka tama na muna, huminga ka muna diyan. Hinga-hinga rin 'pag may time."


Hindi na kumibo si Kaden.


Inilagay niya sa bedside table ang cell phone niya. Naka-silent na iyon dahil kung hindi ay baka maubos ang battery niya sa kakatawag ni Judas. Hindi niya maintindihan ang kaibigan niya kung bakit kating-kati ito na makausap siya.


Sinabi niya kay Judas na saka na tumawag, pero ang kulit pa rin nito. Gusto raw siyang makausap. Importante raw ang sasabihin nito kaya kailangan siyang makipagkita. Pero wala siya sa mood na katagpuin ito, o maski kausapin ito.


Masyado siyang pagod at tinatamad para pagtuunan ng pansin ang kaibigan. Nasa tabi niya ngayon si Kaden at katatapos lang nila. Hindi niya kayang umalis ng mansiyon, masakit pa ang mga kasu-kasuan niya.


Lumabi siya ng mapansing seryoso si Kaden na nakatingin sa kanya. "Selos ka?"


Hindi ito sumagot pero humigpit ang pagkakayakap sa katawan niya. Nasa bewang niya na naman ang isang palad nito. Tanging kumot lang ang nakatakip sa katawan nila. Katatapos lang nitong bumawi sa kanya.


Ang nangyari kanina lang ay mas mainit at mas mapusok kesa noong una. Hindi na siya nakaramdam ng sakit ng muli siyang angkinin nito, gayunpaman ay saka niya naramdaman ang papanakit ng katawan niya matapos ang aksyon. Ngayon ay pakiramdam niya'y hindi niya kakayaning tumayo agad.


Tanggap niya na kung ano ito. Tanggap niya na hindi sila magkauri. Pero ang mahalaga naman ay parehas sila ng nararamdaman, iyon ang importante sa lahat.


"Gusto niya raw kasi akong kausapin." Tukoy niya kay Judas.


"For?" Dumilat ito at tiningnan siya nang mataman.


Nagkibit-balikat siya. Napansin niyang nag-iba na ang mood nito. Salubong na ang kilay ni Kaden at magkalapat na magkalapat ang mapupula nitong mga labi.


"Nagseselos ka talaga." Ngiting-ngiti siya.


"Anong nakakatawa kung nagseselos ako?" Lalong kumunot ang noo nito ng makita ang pagkakangiti niya.


"Wala naman. Ang guwapo mo kasi kapag nagseselos ka."


"Dapat palagi akong magselos para palagi akong guwapo sa paningin mo?"


Inabot niya ang makinis nitong pisngi saka pinisil. "Kahit hindi ka magselos, you're still good-looking, my love." Nanggi-gigil na sabi niya. "Oh, see? Ang pogi-pogi, o."

Fall For YouWhere stories live. Discover now