Kabanata XLI

237K 8.5K 1K
                                    

"JUDAS is your son!"


Nanghina si Perisha. Inalalayan naman agad siya ni Cross.


"What the fu ck are you saying?!" Pinisil ni Cross ang panga ni Lucia at isinalya ito sa dingding.


Lumagabog ang katawan ni Lucia. Naningkit ang mga mata ni Lourd, nahinto sa pagalaw si Cross. Ilang saglit lang ay umangat si Cross sa ere at bumagsak sa sahig.


"Really, Lourd?!" Asik nito kapatid.


Umiwas ng tingin si Lourd saka pinuntahan ang nakahandusay na si Lucia. Basta nito binuhat ang babae at sa isang iglap lang ay wala na ang dalawa sa sala. 


Hindi nila alam kung saan nagpunta ang mga ito.


Nang mapatingin si Perisha kay Kaden ay nakatingin din ito sa kanya.


"Anak mo si Judas?"


"No." Mabilis na tanggi nito.


Napakapit siya sa sandalan ng sofa. Nang muli niyang tingnan si Kaden ay nakatingin na ulit ito sa kanya, pero balisa ang kulay berdeng mga mata. Napahikbi na siya.


"Goddamn it!" Humakbang si Kaden para abutin siya pero umatras siya.


"S-sandali lang..." itinaas niya ang isang palad. "Sagutin mo muna... ang t-tanong ko..."


Huminto ito isang dipa mula sa kanya.


"M-may nangyari ba sa inyo ni Lucia noon?"


Nalalapit na ang full moon. Nalalapit na ang second full moon, nalalapit na ang pagkakataon na pwede silang maging masaya. Pero paano niya kakayaning maging masaya sa natuklasan niya?


Bakit ganito? Bakit hindi siya maging lubusang masaya?


"May nangyari ba sa inyo? Tapatin mo ako... please?"


"I..." napatungo ito. "I don't know..."


"Hindi mo alam?" Manghang tanong niya.


"I'm sorry..."


"Sorry?" Sorry na naman?


Umakyat na sa hagdan si Helios. Si Cross naman ay pumunta sa labas. Tila binibigyan sila ng pagkakataon ni Kaden.


Pero wala na siyang balak makipag-usap. Wala muna. Wala na muna.


"Aakyat na ako..."


"Perisha..."


Fall For YouWhere stories live. Discover now