Kabanata XVII

261K 9.7K 1.1K
                                    

IT's been a long day for Kaden Gablin Vox.


May kakaiba sa araw na ito na para bang pagong ang oras. Sa ilang daang taon niya sa mundo, ngayon lang siya nainip nang ganito.


Umakyat siya grand staircase ng mansiyon. Agad na humarang sa kanya si Lucia.


"Maghapon kang nasa hardin, anong meron sa mga rosas para pag-aksayahan mo silang titigan ng ilang oras?"


Lumabas ng kanya-kanyang kuwarto sina Lourd at Cross.


Lalampasan niya na sana niya si Lucia nang yakapin siya nito sa bewang.


"Nami-miss mo ba ang babaeng iyon kaya ka ganyan?"


Inalis niya ang braso nito sa bewang niya. Tinitigan niya ito sa mga mata, kahit kailan ay hindi siya naniniwala na mahal siya ng bampirang ito. Mas naniniwala siyang may sayad na si Lucia.


"Take her away from my sight, Third." Binalingan niya si Lourd. "Sinabi ko na sa'yo na 'wag mo siyang hahayaang magpagala-gala mag-isa sa kabahayan."


Mabilis naman na lumapit si Lourd at hinawakan sa kamay si Lucia.


"I wanna sleep in your room, Kaden!"


"No," mariin niyang sagot.


"Pero iyong Perisha na iyon hinahayaan mo? At sa kama mo pa talaga?! How could you be so unfair!"


"Iba si Perisha, iba ka." Tinalikuran niya na ang nagmamaktol na babae.


"Damn it! You just broke my heart!"


"You don't have a heart, Lucia." Sabat ni Cross. "'Wag mong pinagloloko sarili mo, pati kami gagaguhin mo pa rito."


"Cross!" Saway ni Lourd. "Don't talk to her like that!"


Pumasok na sa kanyang kuwarto si Kaden. Wala siyang gana sa lahat. Kahit makinig sa pagtatalo sa labas ay wala siyang balak.


Ini-lock niya ang pinto ng kuwarto.


Wala siyang nagawang trabaho maghapon, nakatayo lang siya mula madaling araw hanggang sumapit ang dilim sa gitna ng hardin. Wala siyang kakilos-kilos sa pagkakatayo sa loob ng siyam na oras.


He was just standing there looking at Perisha's roses, iniisip niya kung paanong napagtiyagaan ng dalaga na magtanim at magpalago ng mga bulaklak.


Para kay Kaden ay isang talento ang pag-aalaga ng mga bagay na buhay, kagaya ng mga halaman.


Ibinagsak ni Kaden ang katawan sa ibabaw ng malaki niyang kama.


At ngayon ay naliligalig na naman siya.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon