Kabanata XII

284K 10.8K 2.7K
                                    

WALANG katao-tao sa paligid. Nagising ng madaling araw si Perisha na may mabigat na bagay na nakadagan sa kanya, napangiti siya ng makitang si Kaden iyon.


Natutulog ito sa kanyang balikat habang yakap ng braso nito ang bewang niya.


Pero ngayon ay wala ito. May importante raw na pupuntahan kaya ibinilin siya kay Cross. Pero si Cross ay busy sa pagi-games sa computer. Sinalisihan niya ito saka siya bumaba sa mansiyon.


Walang tao maski sa sala.


Sa kusina niya nakita si Lourd na tila malalim ang iniisip. Nakasandal ito sa lababo habang nakatitig sa antigong chandelier na nakasabit sa kisame ng mansiyon.


"Lourd?" pukaw niya sa pansin nito. 


Tumingin ito sa kanya at bahagyang kumunot ang makinit na noo.


"Okay ka lang?" tanong niya rito. Ngayon lang ito tila walang malay sa paligid. Madalas kasi ay malakas ang pakiramdam ng lalaki.


Ipinilig nito ang ulo saka siya nilapitan. Niyakap siya ni Lourd at hinalikan noo.


Nangingiti niya itong niyakap sa bewang. "Ang weird mo!"


Napansin niya na parang may bakas ng kagat ang leeg nito. Parang pinanggigilan. Kumunot ang noo niya ng pasimple iyong takpan ni Lourd gamit ang kamay nito.


"Hindi ba ang sabi sa'yo ni Kaden ay 'wag kang lalayo kay Cross?"


"Pero busy si Cross, saka gutom na ako, e. Hindi ko naman mautusan si Cross na ikuha ako ng pagkain, ang tamad ng lalaking iyon, e!"


"Okay, kunin mo na ang kailangan mong kunin at bumalik ka na sa kuwarto ni Cross. Magagalit si Kaden kapag sinuway mo ang utos niya," banta nito.


Ngumuso lang siya. Hindi pa nagalit si Kaden sa kanya ever.


"Tres!"


Napalingon si Perisha sa pinanggalingan ng malambing na boses. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Lucia. Kahit ayaw niya ay ginapangan siya ng takot. Naalala niya ang ginawa nito sa kanya kagabi.


Nakatayo ang babae sa baba ng hagdan. Magulo ang buhok nito pero wala itong pakialam. At mas lalong wala itong pakialam sa itsura nito! Walang suot na pang-itaas si Lucia! Tanging manipis na panty ang suot nito sa ibaba at sa itaas ay wala na ito maski isang saplot!


Ang nakalugay nitong buhok ay nasa tapat ng dibdib, pero gasino lamang iyon para matakpan ang nipples nito. Siya ang nakadama ng hiya para sa babae.


Napakalawak ng pagkakangiti ng mapupulang mga labi ni Lucia habang nakatingin kay Lourd. "Nagising ako na wala ka..."


Kitang-kita niya ang pag-alon ng Adam's apple ng lalaki.


Fall For YouWhere stories live. Discover now