Epilogo

496K 14.6K 3K
                                    

Thankyou for reaching this far. And my apologies for some typos, errors, and my bad usage of punctuation marks. Will edit this story once I get the chance :)


-----------


PINAGSALIKOP ni Kaden ang kanilang mga daliri.


"Kung uulitin ang nangyari, I will still choose to die for you."


Kumunot ang noo ni Kaden. "You didn't know what happened after, did you?"


Umiling si Perisha. Natatakot siya sa matinding lungkot na nababasa niya sa mga mata ng lalaki.


"You didn't save me. You know why?"


"Kaden..."


"Because when you died... I died with you."


Sumiksik siya sa hubad at matigas na dibdib nito. Malinaw na malinaw niyang naririnig ang tibok ng puso ni Kaden.


Nasa kisame sila at sa kanilang harapan ay ang magulo at wasak na kama. Maging ang mga bintana ng kuwarto ay basag at sira-sira.


"Nasasaktan ako na nakikitang winawasak ka ng sakit na nararamdaman mo..."


"That pain can never kill me." Hinaplos ni Kaden ang buhok niya. "You have my heart in your hands. Only you can destroy me..."


Tiningala niya ang lalaki. Ngayon ay mas malinaw niya ng natatawid ang isip nito. They can now talk even without words.


'I LOVE YOU.'  Sinagot niya ito gamit ang isip niya.


Ngumiti si Kaden at mapusok na inangkin ang mga labi niya. Instant ang reaction ni Perisha. Agad siyang napakayap sa leeg nito.


Wala ng namagitang usapan sa kanila. Parang lahat ay hindi na kailangan ng tanong o sagot.


Nang magising siya ay grabeng pagka-uhaw ang naramdaman niya, pero hindi pagka-uhaw sa dugo... kundi pagka-uhaw sa kakaibang init na tanging si Kaden lamang ang makapagbibigay. At alam niya sa sarili na nagbago na siya. Na hindi na siya ang dating siya.


Perisha felt aroused the moment she opened her eyes.


Nang lapitan siya ni Kaden ay sinunod niya lang ang matinding paghahangad na umaalipin sa kanya. She kissed him and made love to him all through the night.


Ilang beses, walang tigil, walang kapaguran. Ni hindi nakasagabal ang malaki niyang tiyan.


Halos masira nila ang buong kuwarto sa lakas nilang dalawa. Pareho sila ni Kaden na sabik sa isat-isa.


Inihampas niya ito sa pader dahilan para tumagos sila sa kabilang guess room. Sumadsad ito sa closet at kasabay ng pag-alis ni Kaden ay ang pagkadurog ng closet sa kabilang kwarto. Hinubad nito ang suot at saka siya nilusob ng halik habang winawasak ang kanyang damit. Wala na ring pagpipigil ang lalaki.

Fall For YouWhere stories live. Discover now