Kabanata VI

328K 11.3K 1.1K
                                    

"STOP staring at me."


"Sabi ko nga nga!" Umikot ang bilog sa mga mata ni Perisha. "Damot!"


Hindi kumibo si Kaden at nagpatuloy sa pagkain.


Nasa hapag-kainan sila, dalawa lang sila ni Kaden. Wala ang ibang kapatid nito kaya dalawa lamang sila. Napakatahimik. Pinapanood niya ang pagkain ni Kaden, at kahit hindi siya nito kinakausap ay okay lang. Kontento na siyang pagmasdan ito.


Namimiss niya ito. Minsan lang talaga kasi silang magkita dahil madalas siyang nasa boarding house niya sa Manila. Ito naman ay palagi ring busy. Hindi niya alam kung saan-saan itong condo tumitira kapag nasa Manila, at madalas ay nasa kung saan-saang bansa ito. Marami kasi itong inaasikasong negosyo na nakakalat yata sa buong mundo. 


Wala siyang ideya kung anu-anong negosyo ang meron ang mga Vox pero alam niyang napakayaman ng mga ito. Masyadong mga pribadong tao lang kaya walang nakakaalam na ang karamihan sa malalaking kompanya sa asya at sa Europa ay sila ang tunay na may ari. Ang kilala ng mga tao na mga presidente ng mga naturang kompanya ay mga front men lamang.


"Tomorrow Fausto will call you for the event details," mayamaya ay sabi ni Kaden.


"Parang ayaw ko nang magpa-party."


Tiningnan siya ng nagtatanong nitong mga mata.


Bumuntong-hininga si Perisha. "Nakakasawa rin pala ang masyadong karangyaan. Baka pwedeng ito na lang ang wish ko? Na this year ay 'wag muna akong magpa-party? Dito na lang muna ako sa mansiyon. Maghi-hibernate na lang ako, mas kailangan ko ng pahinga, e. Saka gusto kitang makasama sa buong araw ng birthday ko."


"Okay."


"Okay?" namilog ang mga mata niya dahil sa bigla nitong pagpayag.


Tumango ito. "If that's what you want. Babawi na lang tayo sa next birthday mo."


Malawak siyang napangiti. Tumayo siya at lumapit dito. Hindi niya na napigilan ang pagyakap kay Kaden sa sobrang saya. "Ang bait-bait mo talaga!!!"


"Hey." Marahan naman siya nitong itinulak palayo.


Ngumuso si Perisha. Ganito palagi si Kaden, umiiwas kapag siya ang nagdidikit ng katawan dito. Ibang-iba ito kina Lourd at Cross na okay lang kahit paglambitinan niya. Si Kaden ay mailap at parang palaging napapaso sa kanya.


"Wala naman akong galis, a?" Maktol niya. "'Pag binubuhat mo ako, hindi ako nagrereklamo, 'tapos ikaw, ayaw mong magpayakap sa akin!"


Ginulo nito ang buhok niya saka siya itinulak pabalik sa upuan niya. "Ubusin mo ang pagkain mo,"


"Hmp." Irap niya. "Opo, kakain na."


...


BILOG na bilog ang buwan. Tahimik at madilim na naman ang buong mansiyon ng mga Vox. Noon ay takot si Perisha sa mga ganitong pagkakataon, pero nasanay na lamang siya paglipas ng panahon.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon