Kabanata XXIII

292K 9.7K 1.5K
                                    

"I WANT TO MEET HIM."


Sinabi niya na kay Judas na may boyfriend na siya. Para hindi na ito mangulit.


Kausap niya ito sa CP ngayon, paano'y tintadtad siya nito ng text at missed calls. Noong una ay okay lang, kaso naiinis na si Kaden.


Tuwing tumutunog ang CP niya ay pakiramdam ni Perisha ay gusto iyong agawin ni Kaden sa kanya. Ayaw niya na maunsyami ang maganda nilang samahan ng boyfriend niya, kaya hanggat maaga pa ay dapat malaman na ni Judas na taken na siya.


Nakapagtataka lang, kung laitin siya ni Judas ay wagas. Pero kung mag-cling ito sa kanya ay dinaig pa nito si Kaden.


"Gusto kong makilala ang boyfriend mo, Perisha!"


"Judas..."


"Sige na, para maniwala ako. Feeling ko kasi nagsisinungaling ka lang. Wala naman kasing papatol sayo."


"Ewan ko sa'yo. Ang hirap mo talagang kausap!"


Halakhak lang ang isinagot nito sa kanya.


Pinatay niya ang cell phone. Binura niya rin ang mga text ni Judas sa kanya. Puro lang naman kalokohan ang mga messages nito.


Hindi siya makapag-decide kung may gusto ba sa kanya si Judas o gusto lang siyang buwisiten. Pero hindi puwede na magtagal pa na ganoon si Judas sa kanya, hindi puwede dahil nagseselos si Kaden.


Napangiti siya ng maalala ang gabing umamin ang binata na nagseselos nga ito. Pakiramdam tuloy ni Perisha ay umabot hanggang basement ng mansiyon ang buhok niya sa sobrang haba.


Napatayo siya mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ng bumukas ang pinto ng kuwarto.


Iniluwa niyon ang seryosong si Kaden.


"Someone is looking for you."


Tumalikod na ito bago pa siya makapagtanong.


Sino naman kaya ang naghahanap sa kanya?


At paanong may nakaalam kung nasaan siya? Paanong may nakaalam kung nasaan ang lokasyon ng lugar na ito? Isa itong abandonadong hacienda sa probinsiya ng Dalisay. Isang hacienda na wala sa mapa. Walang nagtatangkang pumasok dito kaya wala ring may alam kung saang parte ng lupain matatagpuan ang villa na kinaroroonan ng antigong mansiyon ng mga Vox.


Kinakabahan siyang sumunod kay Kaden sa sala ng mansiyon.


"Isyang."


Ganoon na lang ang gulat niya ng makilala ang lalaking nakatayo sa tapat ng main door. "Judas?!"


Anong ginagawa nito rito?!

 
At paano nito nalaman kung saan siya nakatira?!

Fall For YouWhere stories live. Discover now