Kabanata XX

271K 8.9K 845
                                    

BAKIT UMIIWAS ITO SA KANYA?


Malungkot na malungkot ang pakiramdam ni Perisha.


Nagising siya kinabukasan na nag-iisa siya sa kama. Hindi niya na namalayan kung bumalik pa ba sa kuwarto si Kaden. Nakatulugan niya na ang pag-iyak.


Para siyang timang na awang-awa at inis na inis sa sarili at the same time.


Malamang na-turn-off sa kanya si Kaden.


Naturn off sa pagiging aggressive niya at naturn off sa katawan niyang hindi naman kaakit-akit.


Paglabas niya ng kuwarto ay nakasalubong niya si Lucia.


Nakasuot ito ng itim na T-shirt. Sigurado siyang kay Lourd iyon, at hindi niya sigurado kung may bra ito at short sa ilalim ng damit.


Nakakaloko itong ngumisi sa kanya. "Hi, good morning!"


"Good morning din."


"Kumain ka na ba?"


Umiling siya.


"Hmn, kumain ka na. Ready na ang breakfast sa garden, ipinahanda iyon ni Kaden bago siya umalis."


"Umalis siya?"


"Oo. Bakit hindi ba siya nagpaalam sa'yo?"


Nakagat niya ang ibabang labi saka marahang umiling.


Lumungkot naman ang magandang mukha ni Lucia. "Ganoon ba? Sad."


Hindi niya alam kung nang-aasar ito o nakikiramay.


Tinalikuran niya na ito ng may marinig siyang boses sa loob ng kanyang isip.


'We can be friends, you know.' Anang tinig sa loob ng isip niya.


Nanayo ang lahat ng balahibo niya sa katawan dahil sa pangingilabot.


Mabilis siyang napalingon.


Nakangiting mukha ni Lucia ang nakita niya.


Ito ba ang nagsalita?


Pero bakit sa isip niya narinig ang boses nito?!


Paano nangyaring kinausap siya nito sa isip?!


"M-may sinabi ka ba?"


Umiling ito at ngumisi. "Nakita mo bang bumuka ang bibig ko?"

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon