Kabanata XXI

266K 9.7K 1.2K
                                    

OKAY.


Wala naman ibang choice si Perisha kundi pakiusapan si Kaden na iabot sa kanya ang tuwalya.


Malamang isipin nito na nang-aakit siya. Pero anong magagawa niya? Mas okay na hingin niya ang tuwalya kesa lumabas siya nang nakahubo.


Kawawa naman ito 'pag nakita ang kapatagan niya. Baka ma-trauma.


"K-Kaden?!" Bakit kailangang mautal?!


Saglit lang ay narinig niya ang mga yabag nito palapit sa pinto ng banyo.


"Why?"


Pati yong 'why' medyo cold.


Gusto niyang maiyak. Ano ba ang nangyayari at bigla itong nanlamig sa kanya?


Dahil ba sa ginawa niyang pagiging malantod kagabi? From Cross' term ng malandi. Malantod daw siya.


Pinigilan niya ang emosyon. Dapat strong siya.


"P-pwede bang makiabot ng tuwalya?"


Hindi ito sumagot.


"Sorry, nainitan kasi ako kanina. Hindi ko nadala iyong tuwalya sa sobrang pagmamadali ko 'tapos wala na rito iyong pinaghubaran ko dahil—"


Kumatok ito.


Inawang niya nang kapiraso ang pinto. Pumasok ang isang kamay ni Kaden, hawak ang tuwalya.


"H-hindi ko iyan tuwalya..."


"I don't know where you put your towel. You can use this, malinis naman iyan."


Tinanggap niya na.


Napalabi siya ng makitang masyadong malaki ang tuwalya na ibinigay sa kanya ni Kaden. Parang nanadya ito.


Makapal na, malapad pa! Kumot na nga yata iyon.


Ipinagpag niya ang tuwalya, mukhang hindi rin iyon ginagamit ng lalaki.


Bakit hindi na lang kasi bathrobe ang hiningi niya? Kaso magkakalkal pa ito sa closet kapag ganoon.


Isinuot niya na rin ang towel. Tatlong ikot iyon sa katawan niya bago niya naibuhol. Abot hanggang sakong niya ang haba.


Paglabas niya ng kuwarto ay nakita niyang nakadapa sa kama si Kaden. Di niya sure kung tulog na o nagtutulug-tulugan.


Muli na naman tuloy siyang nahurt. Obviously umiiwas talaga ito.


Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon