17. Kathryn's Checklist (AU)

5.3K 138 6
                                    

At nagbabalik na ang mga one-shots ko!!! Hello guys!!!! Kaway-kaway!!!! Galing ito sa fanfiction.net na account ko. Tinagalog ko lang.

Title: Kathryn's Checklist

Pairing: KathNiel

Genre: Romance/Comedy

 "NANDITO na ko, Ma..." sigaw ni Daniel Padilla pagkapasok niya sa kanilang bahay. Sinarado niya ang pinto nila at pumunta na sa sala. Iniwanan niya ang sapatos niya sa lalagyanan at inihagis ang dalang bag sa sala.

Pumunta siya sa kusina at nakita si Karla, ang kanyang butihing ina na naghahanda ng hapunan. Pumunta siya sa refrigerator para kumuha ng isang baso ng malamig na tubig.

Parang hindi naman siya narinig ng ina na dumating na siya dahil bigla itong napatalon pagkakita sa kanya.

"Ano ba yan nak! Bakit ba nanggugulat ka? Di ba sabi ko sa inyo, i-announce niyong nandito na kayo pagkagaling niyo sa school?" sabi ni Karla.

Uminom muna si Daniel ng tubig bago sumagot, "Ginawa ko naman ang sinabi niyo. Pero masyado ka atang busy magluto ng dinner."

"May bisita kasi tayo..." tugon ni Karla. "Dapat sarapan ko ang luto para naman pumayag siyang magpasakal – ay este magpakasal sa'yo."

Halos mabulunan si Daniel sa iniinom na tubig. "Ma...Hindi ako magpapakasal sa babaeng inimbita mo ngayong gabi dahil lang sa nagustuhan niya ang niluto mo."

"Oh, kahit si Kathryn ang inimbita ko?" tanong ni Karla. Ngumuti siya ng makitang pumula ang mukha ng kanyang anak. Halatang-halata na ng lahat na may gusto siya kay Kathryn pero si dalaga, parang wala pa ring  kaalam-alam.

"Wag mo nga akong inaasar, Ma..." singhal niya. Ginulo niya ang buhok niya dahil sa inis.

Ngumisi na si Karla. Minsan lang maging ganito ka-frustrated ang kanyang anak.

"Hindi naman kasi inaasar," sabi ni Karla. "Ang pinakamamahal mong kababata ay nasa kwarto mo ngayon. Parang depressed kasi siya kaya niluluto ko ang kanyang paboritong pagkain."

Nanlaki ang mga mata ni Daniel. "Anong pong sabi niyo?! Nasa kwarto ko si Kath?!"

Agad-agad niyang ibinaba ang kanyang baso sa lababo at agad na lumabas ng kusina.

TUMAKBO si Daniel papasok sa kanyang kwarto at binuksan ang pinto. Nakakainis! Hindi ko pa nililinis yung kwarto ko! Nailagay ko kaya ang boxer ko sa drawer or naiwan ko sa kama –

Huminto si Daniel sa kanyang monologue ng makitang nakasarado ang mga ilaw ng kanyang kwarto. Kinapa niya ang switch sa gilid ng pinto at binuksan ito. Hindi niya makita kung nasaan si Kathryn. Kaya naman pumunta siya sa lugar na alam niyang naroon ito.

Naglakad siya papunta sa kanyang kama at hinila ang kumot. At tumambad sa kanya si Kathryn Bernardo na mahimbing na natutulog. Marahan ang paghininga nito.

"Itong babaeng ito talaga, kung saan lang maabutan ng antok doon pa matutulog! At sa kama ko pa!" bulong ni Daniel.

Bumuntong-hininga siya. Inilagay niya kanyang kamay sa pisngi ng dalaga at pinisil ito.

Agad namang nagising si Kathryn. "Aray, aray! Tama na Daniel."

Binitawan na niya ang mga pisngi nito at ngumisi. "Kailan pa kita pinayagan na matulog sa kama ko hah?"

"Hindi ako pwede?" tanong niya. Nakanguso na ito. Tinanggal niya ang kumot sa kanyang katawan at nahulog ito sa sahig. "Dati nung mga bata pa tayo, pinapatulog mo naman ako sa kama mo ah. Minsan nga tabi pa tayo. Bakit ngayon hindi na pwede?"

Real & Reel (KathNiel One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon