14.1. 26 Letters (A - M) (AU)

9.3K 159 24
                                    

 

 

 

Title: 26 Letters (Part One)

Pairing: KathNiel

Genre: Romance/Comedy

Dedication: jupiteryellow - Sis! Basahin niyo ang kanyang story na, "The Real Score." Para sa mga KathNiel fans iyon. :D

 

 

 

A M

 

Antok

Naalimpungatan ang lalaki na nakaupo sa loob ng tren. Tumingin siya sa kaliwa't kanan at halos tumalon siya mula sa kinauupuan ng makakita ng isang babae na nakaputi at mukhang damit pa itong pangkasal. Natutulog ito ng mahimbing.

"Anak ng chokwa! White lady!" sambit niya sa mahinang tinig.

Dahil sa kagustuhang maramdaman kung ano nga ba ang multo ay tinusok nito ang pisngi ng babae.

"Hala! Bakit hindi man lang ako tumagos?" ani niya. Tinusok niya ulit ang pisngi ng babae. At sa pangalawang pagkakataon na iyon ay tinapik na ng babaeng nakaputi ang kamay niya. Tila inis na inis sa ginawa niya.

"Iho, ano ba kasi ginagawa mo diyan sa asawa mo?" tanong ng isang matanda sa gilid niya.

"Ho?" tanong niya.

"Ay nakung bata ka!" sabi ng matanda. "Sino ba matanda sa atin at napakabingi mo?! Makaalis na nga. Bakit ba kasi kayo dito sumakay papunta sa honeymoon niyo?"

"Ho?" pangalawang tanong niya.

Inismiran siya ng matanda at nag-walk out ito. Lumabas ng tren na nagdadabog.

Napakamot nalang ng ulo si lalaki.

Tumigin siya sa babae. Ngayong natitigan niya na ito, hindi niya maiwasang mamangha sa angking kagandahan ng dalaga. Morena ito, mahaba ang tila walang split-ends na buhok at napakahaba ng pilik-mata nito.

"Cute..." sabi niya.

Bigla nalang nagising ang babae at napatingin sa kanya.

"Miss? Ayos ka lang?" wika ni lalaki.

Nagulat siya ng biglang sinampal siya ng babae."

"Paano mo nagawa sa akin ito Quen? Pinagkatiwalaan kita! Kung kelan ikakasal na tayo, tsaka mo pa nilabas ang babae mo na buntis na!" sigaw sa kanya ng dalaga. Napaiyak na rin ito.

At mukhang lasing na.

Pinagtinginan sila ng tao sa loob ng tren.

"Ah...miss...Hindi ako si Quen. Si Daniel ito," pakilala niya sa sarili.

Tumayo na lang ang babae at nag-walk out.

Lumabas sa susunod na station at pinandilatan siya bago makaalis.

"Yung totoo, meron ba yung babaeng yun? Tapos nagmemenopause yung matanda kanina?" tanong niya sa sarili.

Napansin rin niya ang mga matatalim na tingin sa kanya ng mga pasahero.

"Hindi ho ako si Quen," hiyaw niya.

Tinaasan lang siya ng kilay ng mga tao.

Bingo

Real & Reel (KathNiel One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon