18. Dr. Lester Giri

4.6K 136 30
  • Dedicated kay Tigang na KathNiel Fans
                                    

Walang magawa. :))) Trip-trip na oneshot. Wag paniwalaan dahil hindi totoo. Wag magpapaloko. Hahahahaha. :D Guys, pwedeng humingi ng favor? Pwedeng kayong mag-comment ng mga pick-up lines sa baba? Yung sa tingin niyo, pinaka-kabog na pick-up lines hah. May panggagamitan lang ako. Maraming salamat. I love you guys!! I love you super duper. :)) Hihihihi. 

Title: Dr. Lester Giri

Pairing: Lester-centric, KathNiel

Genre: Comedy/Parody

Isang araw, dumalaw si Lester sa bahay ni Daniel. Ilang linggo na rin kasing hindi siya nakakasama sa mga lakad ng barkada. Nararamdaman niyang kailangan niyang magpaliwanag sa kanyang matalik na kaibigan. Ayaw niya kasing magkaroon ito ng sama ng loob sa kanya.

Kumatok siya sa gate.

“Tao po!” sigaw niya. “Tao po! Si Lester poi to ang ubod na gwapo na kaibigan ni Daniel.”

Nag-antay siya ng ilang minuto pero walang lumabas para papasukin siya. Bumuntong-hininga siya. Baka naman tuluyan na siyang nakalimutan ng mga kabarkada niya. Hindi pwede. Hindi pwedeng kalimutan ang isang Lester Giri.

Kakatok sana ulit siya ng mahagip ng mata niya ang doorbell.

Kung hindi lang naman siya tanga, hindi talaga siya maririnig dahil ang layo ng bahay nito sa gate! Kailangan niyang gamitin ang mahiwagang doorbell.

Kaya naman pinindot na niya ito at narinig niyang tumunog ito sa buong bahay. Nag-antay siya sandali at may narinig siyang mga yabag na papalapit. Nakahinga siya ng maluwag. May magbubukas na rin sa kanya.

Pagkabukas ng pinto ay nalaglag ang panga niya.

“Sino ka?” tanong ng nagbukas ng pinto.

“Lester?” sagot niya.

“Hindi ka sigurado sa pangalan mo? Lumayas ka dito!” sigaw ng kausap niya.

“Hindi, hindi. Hinahanap ko si Daniel Padilla, nandiyan ba siya? Hindi naman siguro siya naghihirap kaya hindi naman siguro siya isang boy diyan sa inyo,” aniya.

“Tanga, walang Daniel Padilla dito. Perez ang mga nakatira dito,” sigaw ng kausap at pinagsarhan siya ng pinto.

Tiningnan niya ang nameplate sa gilid ng doorbell. Oo nga’t, hindi ito ang bahay ni Daniel. Nasa kabila pala ito. Sa tagal-tagal niyang hindi nakapunta sa bahay ni Daniel, naligaw na siya. Hindi pwede!

Hinanap niya ang bahay ni Daniel at buti na lang nakita naman niya kaagad. Sa pagkakataong ito, sigurado na siya. Nag-doorbell siya sa bahay at inantay na pagbuksan siya.

Nang magbukas na ang pinto, nakahinga siya ng maluwag na si Daniel na ang nasa harapan niya.

Real & Reel (KathNiel One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon