28. The Return of Superman

2.3K 79 10
                                    


Title: Superman 

Characters: KathNiel

Genre: Humor

Legends: *** -- interview

A/N: Dahil na-miss ko na ang triplets sa The Return of Superman, at dahil na-adik ako sa kanila dahil super cute nila, gumawa ako ng KN version. HAHAHAHAHA. Naaalala ko kasi minsan si Daniel kay Ilgook. Feeling ko kapag naging daddy si Dj, ganoon ka-cool. Lols. 



SA isang bahay, makikita mo na may tatlong high chairs, tatlong plates, tatlong spoons, tatlong forks, lahat ng makikita mo na pang-baby sa bahay ay mayroong tatlong pares. Makikita naman natin sa loob ng isang kwarto na may tatlong baby. Ang isa ay nakadapa, ang isa naman ay nakatalukbong ng kumot at ang isa naman ay nakasiksik sa kili-kili ng isang lalaki. 


***

Daniel: Hello, ako si Daniel Padilla, tatay ako ng tatlong makukulit na triplets. Ang pangalan nila ay Skye, Sabier, and Samuel. 30 months na sila at proud tatay ako.

***


DAHIL sa lakas na paghilik ng kanilang tatay, naalimpungatan ang baby na nakadapa. Papungas-pungas siya at itinukod ang kamay sa kama. Marahan itong umupo at blankong tumingin sa paligid. Nakita niya ang isang camera na naka-focus sa kanya, noong gumalaw siya ay bigla rin itong gumalaw. Kaya naman agad siyang pumunta sa kanyang papa at marahan itong ginising.


"Apa, apa!" wika niya sa maliit na tinig habang ginigising ang kanyang papa. 


Mabilis namang dumilat si Daniel at nakita niya ang kanyang anak na nakadungaw sa kanya. Ngumiti siya at pinisil ang pisngi nito. "Ang cute-cute ng cheeks mo, Sab. Mana ka kay Mama."


Humagikhik naman ang batang si Sab at dinaganan ang kanyang papa. Tapos napatingin siya sa camera na naka-focus nanaman sa kanya kaya nagsumiksik siya sa leeg ng kanyang papa. "Scary, scary, apa! Robot, robot!" 


Napatingin naman si Daniel sa tinuro ng kanyang anak at napatawa siya. "Camera naman yun Sab, hindi robot. Tara na nga at baka magising mo pa mga kapatid mo. Para kayong anghel kapag tulog, kapag nagising kayo parang magkakaroon ng world war three!" 


Umupo si Daniel at hawak-hawak niya ang anak para hindi ito malaglag. Binuhat niya ito at sabay silang lumabas ng kwarto. Ibinaba na niya ito ng makarating sila sa kitchen. 


"Ano gusto mong breakfast, Sab?" tanong ni Daniel sa anak.


"I want acon! Acon, apa!" sigaw ni Sab.


Umiling-iling naman si Daniel. "Lately, gusto niyo talaga ng bacon ano. At Sab, papa, hindi apa okey. Ang weird lang pakinggan."


"Where's ama?" tanong naman ni Sab ng hindi makita ang mama niya kanina sa kwarto at kahit sa kitchen.


"Work, baby," wika ni Daniel at bumulong, "Diyos ko po, mapapalaban ata ako ng ingles sa inyo. Buti na lang madami akong baon."

Real & Reel (KathNiel One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon