23. I wanna Grow Old with You...

3.8K 129 17
                                    

 Babala: Wag maniwala dahil lahat ay pawang kathang-isip lamang. :)

Title: I wanna Grow Old with You...

Characters: KathNiel

Genre: Romance/Drama

"SO...Kamusta naman ang sleepover ninyo?" tanong ni Daniel sa kabilang linya ng telepono. Bigla namang may tumili sa likod ni Kathryn at napangisi siya ng makita ang mga kaibigan niya sa likuran na mayroong kakaibang ngiti sa kanilang mga labi.

"Naka-speaker ba ako Bally?" pag-usisa ng binata sa kanyang kasintahan.

"Oo naka-speaker ka lover boy," sigaw ni Alora. "Sinisigurado mo ba na puro babae kami dito sa sleepover? Gusto mo ba magtawag ako ng mga boylets?"

"Subukan mo lang at uuwi kayo ng wala sa oras," pabirong banta ni Daniel sa kausap.

Lalo namang tumili ang mga kaibigan ni Kathryn.

"Ate Alora magtago ka na. Alam mo bang bumili pa ng shotgun si DJ in preparation sa mga mall tours ni Kath. Alam mo na mas wild ang mga fanboys kapag wala siya," saad naman ni Arisse. "Naalala mo ba yung bastos na lalaki noong first mall tour ni Kath? Napa-salvage na niya yun."

Napalunok si Alora. "Truebells? Nakapatay na si Padilla?" sigaw ni Alora. "O to the M to the G. Kasabwat na ba ako ngayon dahil sinabi niyo na sa akin iyan? Saan ba tinago ang bangkay?"

"Loko ka talaga Ate," natatawang sabi ni Daniel. "Bakit hindi na nagsasalita yung babaeng tinawagan ko? Bally, ikaw ang gusto ko makausap hindi ang mga kaibigan mo."

"Ouch, DJ. Dahil diyan, ipapatalo ko ang group natin sa ASAP sa linggo. Sasabihin ko lahat kay Kath yung gagawin natin para mapaghandaan nila," banta ni Alora.

Humalakhak naman si Daniel sa kabilang linya. "Matatalo talaga tayo dahil ako mismo sa grupo ni Kath ako boboto."

"Hala, lagot tayo kay Kimmy nito," sabi ni Alora. Tumingin naman siya sa nakangiting Kathryn. "Pag-ibig nga naman."

"Maganda nga kasi ang pag-ibig ko," sabi naman ni Daniel.

Namula si Kathryn sa narinig at tumili nanaman ang mga kasama niya. Natatawang nagtanong naman si Chie, "So DJ totoo ba yung pagbili mo ng 5,000 units ng album ni Kath? Balita ko nag-gold agad ang album niya ah. Kasalanan mo ba iyon?"

Natawa si Daniel. "Hindi lang ako ang nagmamahal kay Kathryn. Madaming nagmamahal sa kanya. Madaming handang pumatay para sa kanya. Ganyan siya kamahal ng tao. I'm just one among the crowd."

"Alam mo namang hindi lang iyon ang status mo sa buhay ko," mahinang sabi ni Kathryn.

Real & Reel (KathNiel One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon