7. When KathNiel Read Wattpad Stories...(01)

11.1K 189 24
                                    

Title: 01. His Personal Slave...

Genre: Humor/Romance

Dedication: modernongmariaclara --> Ang galing-galing niyang author. :)) Idol.

“Anong ginagawa mo?” tanong ni Daniel ng pumasok siya sa tent ni Kathryn at humiga sa isang bakanteng folding bed. “Kakatapos lang ng scene ko...Namiss kita kaagad.”

“Oo naman,” sabi ni Kathryn na parang wala sa sarili. “Salamat.”

“Hah?!” taas kilay na wika ni Daniel.

“Oo naman,” muling sambit ni Kathryn.

“Gwapo ako?” tanong ni Daniel.

“Oo naman,” tugon ni Kathryn.

“Mahal mo ko?” nakangising sabi ni Daniel.

“Oo naman,” wika ni Kathryn.

Napabuntong hininga si Daniel at napakamot ng ulo.



Nawawala na talaga sa sarili si Kathryn.

Napadpad ang tingin niya sa cell phone na hawak-hawak ng dalaga na kanina pa nito kinakalikot. Sumama ang tingin niya sa cell phone. Mang-aagaw!! Mang-aagaw ng atensyon ng prinsesa niya!! Che! Leche!



Screw all cell phones! May they rot in hell!

Tumayo siya at padabog na umalis.

Joke lang.

Kelan ba niya iniwan si Kathryn ng mag-isa?

At kelan ba siya nagselos sa isang cell phone? Hindi pwedeng mawala ang mga cell phone sa mundo.

Mahalaga ang cell phone para sa kanya. Bukod sa mahal na nga (kuripot kasi siya), nagagamit pa niyang pang-communicate kay Kathryn kapag wala siya sa tabi nito. Kailangan niya ito. Kahit pa madaming asungot na nagtetext sa kanya galing Nueva Ecija.

Real & Reel (KathNiel One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon