11. Daniel, Kathryn, at si Harry Styles

9.7K 161 22
                                    

Warning. Puro kalokohan lang ang UD na ito. Hahaha. :) Humanda na kayo.


Title: Daniel, Kathryn, at si Harry Styles.

Pairing: KathNiel

Genre: Romance, Comedy

Dedication: KwenAyag...:*

Pagod galing sa photo shoot, matapos ko halikan ang aking papa sa pisngi ay tumungo na agad ako sa aking kwarto para makapagpahinga. Binuksan ko ang pinto at nakita ko yung papel na sinuksok ko doon ay nasa ibaba na ng sahig. Ibig sabihin lang nun, may pumasok sa kwarto ko.

Napansin ko na medyo nakabuka yung closet ko. Dali-dali kong kinuha yung gitara na nakalagay sa itim na bag sa ilalim ng kama ko at dahan-dahang nilapitan ang closet ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ako ng malalim bago buksan ito ng tuluyan. Iniangat ko ang gitara at akmang papaluin kung sino man ang nasa closet ko.

“Wait babe...Wag! Masakit yan...”

Napatigil ako sa pagpalo at ibinuklat ang aking mga mata. Nasa harapan ko ang isang gwapong nilalang na may matamis na ngiti sa labi. Hindi ko naman binalik ang kanyang ngiti.

Asa pa siya.

“Anong ginagawa mo sa kwarto ko? Most specifically, sa closet ko, aber Padilla?” pagtataray ko.

“Ano...Para sorpresahin ka...” sagot naman niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. “Sorpresahin mo mukha mo.”

“Aw...Babe. Sorry na. Hindi kita nabigyan ng regalo sa monthsary natin kahapon.”

“Wala naman akong pakialam kung wala kang regalo eh. Ang hinihingi ko lang naman na sana, nabigyan mo lamang ako ng isang minuto at magtext ka at bumati ka. Pero kahapon, nganga lang ako. Ang saya naman ng monthsary natin. Unforgettable talaga.”

“Babe! Nasa trabaho ako nun...” pagtatanggol niya sa sarili. Ang tulis-tulis na ng nguso niya at nagmamakaawa na ang kanyang mga mata...Pero sorry siya, hindi niya ako madadaan sa pagpapacute niya.

“Eh di magsama kayo ng trabaho mo. Yun sorpresahin mo. Isama mo na mga kabanda mo at yung anak ng mayor na kasama mo sa trabaho mo at yung kapatid niya. Magsama-sama kayo,” tugon ko sa kanya.

Ewan ko ba kung ano nakain niya at nagawa niya pang ngumiti. Oo, ngumiti siya habang tinatarayan ko siya. May sira na ata tuktok nito. Padala ko na kaya sa mental?

“Nagseselos ang babe ko,” pang-aasar niya. “Kinikilig naman po ako. Pero tama na yan dahil ikaw lang ang gusto ko hah. Sorry at hindi kita nabati. Masyado lang ako naging busy talaga. Babawi ako ngayon babe. Wag kang mag-alala –”

“Busy kamo sa pagpapapicture kasama ng mga fan girls mo! Bwiset ka! Hindi sa hindi mo ko nabati...Sadyang nakalimutan mo lang ang date kung kailan mo ko napasagot. Nakakainis ka Padilla,” sigaw ko. “Ako lang naman itong nagtext sa’yo ng 12 am para lang bumati. Kahit puyat ako inantay ko mag-12. Eh ikaw, kahit isang text wala! I even called you a dozen of times!”

Real & Reel (KathNiel One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon