30. Weird

776 43 4
                                    



Title: Weird

Pairing: KathNiel

Genre: Fluff

A/N: A very short chapter. All for the sake of fluff. 

Prompt: Horimiya Chapter 81



MY boyfriend is weird.


Nagsusuot siya ng shades kahit walang araw.

"Bal, nakita mo ba kung saan ko nilagay yung shades ko?" tanong niya. Inikot niya ang mga mata niya sa kwarto ko. Isa-isang tiningnan ang mga gamit na nakakalat sa sahig. "Grabe ka naman kasi kagabi, Bal. Ang wild mo. Mas wild ka pa sa akin. So saan mo banda tinapon yung shades ko?"

Lumuhod siya sa tabi ng kama ko para hanapin ang nawawala niyang shades. Dumukwang siya at kumunot ang noo. "Bali, tulungan mo ako. Nawawala yung shades ko."

Inikot ko ang mga mata ko. "Eh bakit ka sa ilalim ng kama naghahanap. Paano naman mapupunta yan diyan?"

"Bal, di tayo nakaabot sa kama kagabi. Baka dito mo nahagis yung shades ko."

Napatingala siya sa akin at biglang lumiwanag ang mukha niya ng may makita siya sa likod ko.

"Ayon!" sigaw niya. Tumakbo siya sa lampshade na nasa likod ko. Nasa tuktok nun ang shades na hinahanap niya. Kinuha niya yun at isinuot. "Gwapo ko ba bal?"

"Walang araw, bali. Saan mo gagamitin yan at naulan?" sabi ko sa kanya at napatingin sa bintana na nasa likuran niya. Makulimlim ang langit at malakas ang ulan.

"Pang-tago sa eyebags ko. Di mo ako pinatulog kagabi," sambit niya.

"Whatever," singhal ko sa kanya. "Akala mo naman di mo ginusto. Eh ikaw nga sumunggab sa akin kagabi. Buti tulog na sina Mama!"

Kinuha ko ang kumot at pinangtakip ko sa katawan ko. Kinuha ko ang boxer shorts niya at itinapon yun sa mukha niya. "Magsuot ka nga. Sumasaludo nanaman yang ano mo sa akin."



HE makes ridiculous faces regardless kung sino ang kasama niya at kung ano ang okasyon.

"Hindi lang si Tita Malou. Grabe ka, pati picture with Paul di mo pinatawad," sabi ko sa kanya habang tinitingnan yung picture nila ng idol niyang si Paul McCartney. Nakalabas kasi ang dila niya habang naka-thumbs up ang dalawa niyang kamay at si Paul naman ay nakangiting nakaakbay sa kanya.

Ngumisi lang ang loko. "Kinilig ako kanina. Akala ko hihimatayin ako nung nakasalubong natin siya."

Nagbakasyon kasi kami sa New York at sakto habang namamasyal kami eh nakita namin si Paul. Halos madapa pa ang loko makapag-picture lang sa idol niya. Tapos ang ending, nakapagpicture nga siya, disente yung pose ni Paul tapos siya naka-wacky. Naku, di ko na talaga alam gagawin ko dito sa boyfriend ko!



HE loves mobile legends.

"Bali, pa-pass naman ng sinigang na baka please," utos ko sa kanya. Mga tatlong minuto na atang nakalahad yung kamay ko at ngalay na ngalay na ako pero walang sinigang na baka at nakadating sa akin.

Tumingin ako sa kasama ko at nakitang busy siya sa paglalaro sa cellphone niya. Inikot ko ang mga mata ko dahil nakanguso pa siya habang naglalaro.

Real & Reel (KathNiel One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon