20. Kiss and Make-up

4.6K 134 16
                                    

Huwag maniwala, nakamamatay! :D 

Title: Kiss and Make-up

Pairing: KathNiel

Genre: Romance/Comedy

Hindi si Daniel Padilla ang unang lalaki na naka-MU ko, pero siya ang first boyfriend ko.

Wala namang love story na parehas eh. Pamilyar siguro pero yung parehas na parehas wala. Every love story is unique and special on its own.

Kami naman may sariling love story. Hindi man kasing ganda tulad ng kay Landon at Jamie o kasing touching ng kay Gus at Hazel, hindi ko ipagpapalit ang love story namin kahit kanino.

Una kaming nagkakilala sa isang variety show na Showtime at naging magkatambal sa teen oriented show na Growing Up. Hindi naman kami gaanong nagpapansinan noon. Minsan nga nagkakailangan pa. Pero hindi nagtagal ay naging matalik kaming magkaibigan.

Gumising na lang ako isang araw na crush ko na siya. Dahil dalagang Pilipina ako, hindi ako nagpapahalata sa kanya. Isa pa, ex niya ang kaibigan ko nung high school kaya napagpasyahan kong off limits siya. Kaso mapagbiro talaga ang tadhana at hindi namin naiwasan ang pana ni kupido kaya ayan, nahulog ang loob namin sa isa’t isa. Nagkamabutihan hanggang sa nagkaligawan.

Ilang buwan rin niya akong sinuyo. Tinupad pa niya ang pangarap kong candlelight dinner noong Valentines’ Day.

Sa totoo lang total opposites kami.

Prangka siya, makulit, masayahin, madaldal, mahilig sa mga old songs at medyo bad boy.

Samantala naman ako, tahimik, mahilig sa one direction, isip-bata at good girl.

Kung titingnan mo, wala talaga kaming pagkakasunduan. Kaya naman nagulat ang mga taong nakapalibot sa akin nang sinagot ko siya. Yung iba nga binibilang ang araw kung kailan kami maghihiwalay.

Unang taon namin magkasama, hindi kami mapaghiwalay. Hindi niya mapigilan ang kanyang nararamdaman kahit sa mga interviews.

Kapag nag-aaway naman kami, gusto ko nag-uusap kami ng matino, pero siya mas prefer niyang maghalikan na lang kami para matapos na yung gulo. Gusto ko naman pero hindi ba, pag-aawayin nanaman ulit naman iyon kapag hindi namin pinag-usapan?

Ewan ko ba pero naka-survive naman kami ng first year namin. Nagpunta pa nga kami ng ibang bansa kasama ng mama ko at nag-enjoy talaga kami.

Mahilig kaming manood ng sine kaya madalas kaming pumunta sa sinehan, pero patago nga lang.

Bumugso ang blessings sa amin nung second year namin together. Madami kaming projects at nagkaroon pa siya ng album at concert. Patuloy pa rin ang patago naming relasyon.

Naging mas sweet pa siya sa akin. Minsan nagugulat na lang ako na binibili niya sa akin yung mga gusto kong bagay na nababanggit ko lang sa kanya. Mas lalo niya akong inalagaan. Mas lalo niya akong minahal.

Real & Reel (KathNiel One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon