24. Merry Christmas, Bally

4.2K 121 16
                                    

Babala: Wag maniwala dahil lahat ay pawang KATHang-isip lamang. :) 

Title: Merry Christmas, Bally

Characters: KathNiel

Genre: Romance/Comedy 

 "DANILO!!!" sigaw ni Karla sa anak ng makita niya ito sa kwarto na nakataklob ng kumot at himbing na himbing sa pagtulog. "Nandito na ang mga bisita. Bakit hindi ka pa ayos? Diyos kong bata ka! Kailangan ka pang akyatin at gisingin."

Hindi naman gumalaw si Daniel at mukhang hindi nagising sa sigaw ng kanyang ina. Maya-maya ay tinanggal nito ang kumot mula sa mukha pero nakapikit pa rin ang mata. Ngingiti-ngiti ang binata at biglang humagikhik. "Bally, hihihihi. Huwag diyan please. Baka makita tayo ni Mama..." 

Umiling-iling si Karla sa binubulong ng anak habang natutulog ito. Mukhang maganda pa ang panaginip nito dahil kanina pa tinatawag ang pangalan ng girlfriend. Sa inis niya ay inilagay niya ang kamay sa tenga nito at piningot ang natutulog na binata.

"A-A-Aray," sabi naman ni Daniel at biglang nagising ito dahil sa naramdamang sakit. Namungas-mungas pa ito at tumingin-tingin sa paligid. Nabungaran niya ang nakasimangot na mukha ng kanyang ina. "Ma, I swear. Wala kaming ginagawa ni Kath. Naglalambingan lang kami."

"Hoy Danilo, wala si Kath dito. Mahiya ka nga sa balat mo. Maligo ka na at nandiyan na ang bisita sa baba," wika ni Karla. "10 minutes lang Danilo. Bilisan mo ring magbihis. Parang babae ka pa namang kumilos."

"Mama naman! Hindi naman eh," pagyamot ng binata habang bumabangon sa higaan. Ngumuso ito. "Akala ko naman, kasama ko na si Kath. Tapos si Mama lang mabubungaran ko. Ang malas ko naman."

"May sinasabi ka?" taas-kilay na tanong ni Karla sa anak.

"W-Wala, Ma. Sabi ko nga maliligo na ako," sambit ni Daniel at dali-daling kinuha ang tuwalya para pumasok sa banyo.

PAGKABABA ni Daniel ay binati agad siya ng mga bisita na dumalo sa kanilang maliit na salu-salo. Lumapit sa kanya si DJ Jhaiho at yumakap sa kanya. "Merry Christmas Teen King."

"Merry Christmas rin. Mabuti naman at nakapunta kayo," sabi ni Daniel at nakangiti pa.

"Siyempre naman. Hindi ko talaga kayo mahindian. Salamat nga pala sa pagpili sa akin bilang host ng Christmas party mo hah," wika naman ni DJ Jhaiho.

Tumango na lang si Daniel. "Maliit na bagay lang iyon. Huwag ka ng magpasalamat. Ako nga at dapat magpasalamat sa'yo."

"Danilo," tawag naman ni Karla sa anak. "Umupo ka na at kakain na tayo."

"Ay Ma, nagtext si Kath. Sabi niya punta na daw ako sa kanila ngayon," sambit ng binata sa ina.

Real & Reel (KathNiel One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon