4. Vandalism (AU)

12.7K 236 23
                                    

Dalawang gabi din inabot ko para dito. Grabe. Ang hirap mag-isip hah. :)

Title: Vandalism

Pairing: KathNiel

Genre: Romance

Dedication: Jeshiel...One of my bebs in twitter. Labyu. :*

Kung meron mang klase na hindi talaga pinapakinggan ni Kathryn, iyon ay Physics. Pumapasok lamang ang mga lecture sa kaliwang tenga, tapos lalabas na sa kanan. Minsan nga parang Greek class ang pinasukan niya, wala siyang maintindihan sa mga sinasabi ng guro, masyadong foreign, nakakawindang lang.

Ang masaklap sa lahat, nag-eenjoy pa siyang pagtripan ng guro nila. Kumbanga, lagi siya ang tinatawag kahit alam nito na wala siyang maisasagot. Eh kung magturo ka kaya ng matino, ang laging pumapasok sa isipan niya.

Kaya naman nung pumasok siya para sa Physics class, nagulat siya na may nakasulat na sa desk niya. Hala! Vandal!

Aking prinsesa, wag ka ng sumimangot diyan.

Kunyari wala siyang nakita tapos palinga-linga siya sa paligid. Kahit sandali lang iyon, alam niyang hindi ganun kadali malaman kung sino ang nagsulat ng ganito sa desk niya. Wala man lang nakatingin kung magrereact siya. Nakakacurious talaga.

Dahan-dahan siyang tumingin muli sa pitong salita na nakalagay sa desk niya. Patago niyang pinagmasdan ang paligid pero wala talaga siyang makita na nakatingin sa kanya. Bakit ba may nakasulat ng ganito sa desk niya? Sino bang engot ang may kagagawan ng kalokohan na ito?

Sa totoo lang, gusto niyang wag pansinin ang nakasulat. Kasi parang nag-aaksaya lang siya ng oras. Pero dahil sa boses ng guro niya na monotone, hindi niya maiwasan na tingnan ulit ang mga nakasulat sa desk.

Bago pa magbago ang isip niya, binuksan na niya ang ball pen niya at nagsulat:



Sino kinakausap mo?

Nag-ring na ang bell. Ibig sabihin uwian na. Kinuha na ni Kathryn lahat ng gamit niya at umuwi na.

Nakalimutan niya ang lahat ng tungkol sa desk, sa nagsulat at sa mga nakasulat hanggang kinabukasan. Ang una niyang nakita sa desk niya nung nilapag niya ang mga libro niya ay ang sulat sa desk niya. Nagtaas siya ng kilay. Masyadong pa-mysterious ang taong sumusulat sa desk niya.



Para sa isang napakagandang babae na tulad mo, napakaclueless mo naman pagdating sa ganitong mga bagay.

 

Hindi alam ni Kathryn ang mararamdaman.



Hoy! Kung nagpapa-impress ka sa akin, waepek yun sa akin.

Sino ka ba hah?

Bakit parang kilala mo ako–

Bago pa matapos ni Kathryn ang pagsusulat, tinawag na siya ng guro niya para sagutin ang sample problem sa likod. "How much energy needed to convert a 3 kg block of the ice initially –"

"Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi mo," wika ni Kathryn.

Napangiti ang guro niya. "Ibigay mo sa akin ang isa sa mga hearts mo."

Real & Reel (KathNiel One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon