2. Baby Names

17.3K 327 112
                                    




Naka-set ito sa future. :) HAHAHA. Si Kathryn at si Daniel at ang kanilang magiging baby. Salamat po sa mga nagbasa. Mahalo ko po kayo.




Title: Baby Names

Pairing: KathNiel

Genre: Romance/Humor

Dedication: spreadmylove26 --> Hahaha. :)))) Salamat sa palaging pagbabasa ng stories ko.

“Kath...” tawag ni Daniel Padilla ng pumasok na siya sa bahay na buong hirap nilang pinundar ng asawa na si Kathryn. Tinanggal niya ang shades at nakita ang asawa sa sala, hawak-hawak ang isang libro. Binigay niya ang cheesecake sa maid at inutusan na ilagay ito sa fridge. Pagkatapos ay dumiretso na ito sa asawa, tinabihan at hinalikan sa pisngi. “Nandito na ako.”

Lumingon si Kathryn sa kanya at binigay ang ngiti na nakareserved na sa kanya dati palang. Parang nawala lahat ng pagod niya. Pagkatapos, tumingin siya mula sa mukha nito hanggang sa umbok sa tiyan nito. Ngumiti siya. Ilang buwan nalang magiging ama na rin siya.

“Nasaan ang cheesecake ko?” tanong ni Kathryn. Oo nga pala, kahit sa pagbubuntis cheesecake pa rin ang hinahanap-hanap.

“Pinalagay ko na sa fridge...” tugon ni Daniel at pinagpatuloy ang pagsasalita niya ng makita niyang tatayo sana si Kathryn para puntahan ang cheesecake niya, “Mamaya mo na kainin after ng dinner. Dito ka muna sa tabi ko. Namiss kita eh.”

“Nagkita naman tayo kaninang umaga ah...” sabi ni Kathryn ng nakapout. Pero kahit ganung ang sinabi niya, linagay niya ang ulo niya sa balikat ni Daniel at naglalambing na siya agad-agad. “Kamusta ang work?”

“Iyon...Nakakapagod pa rin. After kong magtaping para sa pelikula with Julia eh dumiretso naman ako mall show sa Festival Mall. Bukas hectic nanaman ang schedule ko kasi taping para sa teleserye with Jane,” kwento ni Daniel.

Nagbuntong-hininga si Kathryn. “I feel bad na ikaw lang ang nagtratrabaho para sa atin. Gusto ko ng makabalik agad.”

Hinawakan ni Daniel ang kamay ni Kathryn. “Ano ka ba...Siyempre, buntis ka ngayon. Hindi ka pwedeng magtrabaho at hindi kita hahayaan noh. Kaya wag ka ng mag-alala.”

Real & Reel (KathNiel One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon