22.1. Lester Giri, the Mighty Stalker (January-April)

3.3K 88 3
                                    

 

Title: Lester Giri, the Mighty Stalker (Part One)

Characters: KathNiel, Lester, Katsumi, Julia, Sed

Genre: Romance/Comedy/Lester-centric 

"L-Lester," tawag ni Katsumi sa kaibigan. Nanlalaki ang kanyang singkit na mga mata habang pinagmamasdan si Lester. "Anong ginagawa mo?" 

Hindi makapaniwala si Katsumi na may hawak na papel at ballpen si Lester. Halos isuka na nga nito ang pag-aaral at alergic ito gaya ng kaibigan na si Daniel sa pagsusulat. Minsan nga naalala pa niya ang sinabi ng kaibigan, "Nagkakapantal ako sa buong katawan kapag nagsusulat. Baka ikamatay ko."

"Gumagawa ako ng timeline gamit ang papel and ballpen," sagot ni Lester na may kasamang pagmamalaki. Ini-emphasized pa ng huli ang papel at ballpen. Bakas naman sa mukha ni Katsumi ang pagkabigla. Kumurap pa siya ng madaming beses para siguraduhin na hindi siya nag-iilusyon. 

Hinila ni Lester si Katsumi paupo sa tabi niya. 

 "So, ano ba iyang pinagkakaabalahan mong timeline?" tanong ni Katsumi nang makaupo na siya ng maayos sa upuan na katabi lamang ng kaibigan. Sinilip niya ang gawa ni Lester. 

"Timeline ng relationship ni Kathryn at Daniel last year!" tugon ni Lester habang nakangisi. "Ito yung mga panahon na clueless palang sila sa nararamdaman ng isa't isa. Nakakatawa kaya yung paligoy-ligoy nila."

"Paano mo naman nalaman ang mga iyan?" saad ni Katsumi. "...Sinusundan mo silang dalawa?"

Humalakhak lamang si Lester. "Secret, walang clue! Oh siya, basahin na natin ang ginawa kong timeline. Magiging well-informed ka, promise!"

KathNiel Love Story Timeline

By yours truly, Lester Giri

XOXOXO

Sunday, January 1, XXXX, 03:05 AM

"Bakit ba yung bahay ko, lalong lalo na ang kwarto ko ang reception ng New Year's party, Christmas party, kahit sinong may birthday at kung ano-ano pang party ang maisip nila? Mukha bang hotel room ang kwarto ko?" tanong ni Daniel sa sarili habang nakatingin sa mga taong lasing na nakahiga sa kama o sahig ng kwarto niya.

At isa pa, hindi niya rin alam kung paano nakapasok ang mga ito sa kwarto niya? Naunahan pa nila ang mismong may ari ng bahay. Mag-isa na lang kasi siya sa bahay nilang mag-anak dahil nagpa-migrate na ang mga ito sa America. Nasa Pilipinas siya para tapusin ang kanyang pag-aaral sa high school at kolehiyo. 

Ginanap ang New Year's Party sa kwarto ni Daniel. At dahil present ang buong barkada, nagkayayaang uminom. Si Daniel naman kauuwi lang galing sa kanyang tiyahin. Pagbalik niya ng bahay, nadatnan na niya ang mga ito na nakahandusay na kung saan-saan. 

Real & Reel (KathNiel One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon